Karla Estrada reacts to viral video of son Daniel Padilla losing his cool in Isabela show

Karla Estrada: "Kami, ipagpapatuloy naming mag-ina na maging masaya, maligaya, at matagumpay. Marami talagang magtatanggol, it's not for us to say something. Hindi na para ipagtanggol ko… Ipinagtatanggol ko sa paraan na alam ko lang, pero hindi na kasi kailangang patul-patulan. Actually, marami nang magtatanggol, so dun pa lang sa tagapagtanggol namin, tapos na ang laban."


Ipinauubaya na lamang daw ni Karla Estrada sa mga tagasuporta ng anak na si Daniel Padilla ang pagtatanggol sa Kapamilya Teen King mula sa pambabastos na natamo nito sa isang show sa Iligan City, Isabela.

Kalat na ngayon sa social media ang video kung saan na-bad trip si Daniel habang nagpe-perform sa entablado noong fiesta ng Iligan City.

Ayon sa kuwento, may isang grupo raw ng mga kabataang lalaki ang tumawag kay Daniel habang nagpe-perform at biglang nag-dirty finger sa kanya.

Natapos naman ng Kapamilya young actor ang kanyang performance, pero kitang-kita raw na naapektuhan ito sa nangyari.

Read: Daniel Padilla loses his cool while performing in Isabela

Pahayag ni Karla tungkol sa nangyari kay Daniel, “Normal naman yun kasi height pa yun siguro ng campaign, ng election whatever.

“Dun sa nag-dirty finger, pasanin na lang niya yun habang buhay, konsensiya niya na lang yun.

“Pero kami, ipagpapatuloy naming mag-ina na maging masaya, maligaya, at matagumpay.

“Marami talagang magtatanggol, it’s not for us to say something.

“Hindi na para ipagtanggol ko…

“Ipinagtatanggol ko sa paraan na alam ko lang, pero hindi na kasi kailangang patul-patulan.

“Actually, marami nang magtatanggol, so dun pa lang sa tagapagtanggol namin, tapos na ang laban.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Karla sa set ng It’s Showtime kahapon, June 1.

KARJO LOVETEAM. Inusisa rin si Karla tungkol sa tila nabubuong love team nila ng ama ni Coleen Garcia na si Jose Garcia.

Nagsimula ito nang mag-guest si Coleen at ang ama nito sa morning show nina Karla, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros sa ABS-CBN, ang Magandang Buhay.

Mula noon ay tinutukso na ang dalawa at nasundan pa ito ng pag-iimbita ni Jose kay Karla sa premiere night ng pelikulang Love Me Tomorrow, kung saan isa sa mga bida si Coleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Karla tungkol sa KarJo loveteam, “Nakakatuwa naman kasi ang cute, although hiyang-hiya ako dahil hindi na naman bagay na mag-love team-love team.

“Pero katulad nga ng sinabi ko na kung marami ang natutuwa at napapasaya, why not?”

Pero hindi raw niya maituturing na date ang panonood nila ng pelikula.

“Date? Nanood lang talaga kami ng premiere night, so ganun lang.

“Cute lang. Sana magkaroon ng project para may kapuntahan.”

Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni Coleen na ngayon lang niya nakitang kinilig muli ang kanyang ama?

Sabi ni Karla, “Di mabuti, ganun-ganun lang muna.”

Ano naman ang pinag-uusapan nila ni Jose kung silang dalawa lang?

Aniya, “Wala naman, it’s just about life, kasi matatanda na kami.

“Wala nang masyadong… alam namin kung ano ang sitwasyon.”

Hindi naman itinatago ni Karla na may non-showbiz boyfriend siya ngayon.

Hindi kaya ito maging rason ng selos at pag-aaway sa pagitan nila?

“Wala naman. Siya single, ako on my side, maiintindihan naman yun,” sabi ng actress-TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN