Ruffa Gutierrez says mom Annabelle Rama 'not interested' in MTRCB post

Ayon kay Ruffa Gutierrez, mukhang hindi tatanggapin ng inang si Annabelle Rama ang pagiging chairperson sa MTRCB sakaling ialok ito sa kanya. Ang dahilan: ayaw raw ng ina na manood ng pelikula maghapon, magdamag.


May mga lumalabas na balitang baka ialok ni President-elect Rodrigo Duterte ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) portfolio sa kaibigan nitong si Annabelle Rama.

Napapadalas kasi ang pagbisita ni Annabelle sa Davao City upang makipagkita sa bagong halal na pangulo ng bansa.

Mr President!

A photo posted by Annabelle Rama (@annabelleramaig) on

Kahapon, June 1, sa ikalawang pagkakataon, nagkita muli sina Annabelle at Duterte; kasama ng talent manager ang legendary singer na si Pilita Corrales.

#duterte #lastnight

A photo posted by Annabelle Rama (@annabelleramaig) on

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa panganay na anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez ngayong araw, June 2, ay tinanong siya tungkol sa balitang ito.

Pahayag niya, “I don’t know if it’s true.

“But sabi lang ni Mommy na, if ever, hindi siya interesado because she don’t wanna stay in a room watching movies all day and all night.

“And feeling daw niya, marami daw siyang producers na makakaaway, e, lahat friends niya, di ba?

“So I don’t think she’s interested and maybe… I don’t think it was even offered to her.”

Ayon pa sa actress-TV host, magkakilala ang kanyang ina at si Duterte.

May mga kamag-anak din daw si President-elect Duterte sa Cebu, kung saan galing si Annabelle, kaya ito raw marahil ang dahilan sa napapadalas na pagpunta ng ina doon.

Sabi ni Ruffa, “Tatawagan ko nga siya mamaya kung bakit lagi siyang nandun. Kasama pa niya si Tita Pilita.

“Pero, I know the first time she went, sinabi lang niya nag-courtesy call sila because she knows I guess the daughter of some of the friends, and she knows him personally.”

Bukambibig naman ng 41-year-old actress-TV host na sakaling maging bahagi siya ng gobyerno, gusto niyang maging ambassador.

“Dati ko pang gusto yun, ha. Eighteen years old pa lang ako, gusto ko nang maging ambassador.

“Sabi ko nga sa Europe or in an exotic country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I would love to, it’s a dream. But I think it will always remain a dream.”

Nakausap ng PEP si Ruffa sa presscon ng iniendorso nitong Cosmo Skin anti-aging and whitening products, ngayong Huwebes, June 2.

Dito ay pinabulaanan ni Ruffa na umalis na siya sa kumpanyang nagmamay-ari ng naturang produkto taliwas sa kumakalat sa ilang social media sites.

FRAUD!!!!!!! ?????? please spread the word!! PLEASE REPORT THIS SITE... I only trust @cosmoskin ?? @teamgutierrez

A photo posted by Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) on

EXCITED FOR DUTERTE ADMINISTRATION. Sa kabilang banda, inamin ni Ruffa na excited na siya sa pag-upo ni Duterte bilang bagong pangulo ng Pilipinas.

Aniya, “Well, I’m very excited, just like everyone else.

“Hopefully, the change that everyone is waiting for will happen in this administration.”

Pabor din daw siya sa ipatutupad na curfew sa minors at ang pagbabawal sa mga inuman sa kalye.

“Yung sinasabi nilang banning of liquor or kids not roaming the streets after 10 P.M., in some way that can be good for us.

“I think, in any situation, kailangan talaga may takot tayo.

“Kasi kung wala kang takot, kahit sino na lang puwedeng gumawa ng kahit na ano.

“So, I would like to live in an environment that I know is safe because I have kids.

“I have an 11- and a 12-year-old girls, so I would like them to grow up in a more strict environment.

“Na alam ko if something happens to them, mananagot talaga ang sinuman sasakit sa kanila.”

Pero hindi pa man nakakaupo, nasasangkot na si Duterte sa iba’t ibang kontrobersiya.

Isa na nga rito ay ang ‘catcalling’ incident sa presscon niya noong June 1.

Read: GMA News reporter Raffy Tima to Duterte: 'Catcalling My Wife Is Wrong In So Many Levels.'

Ano ang opinyon ni Ruffa dito?

Pahayag niya, “Well, actually during the elections, our family was divided.

“You know, there were people for him, there were people not for him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So when it comes to women empowerment, I don’t wanna talk about that, it’s quite a delicate topic especially he is the president.

“So, whatever he says, I guess, I just keep my mouth shut and respect that ‘coz I don’t wanna get in trouble.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN