Jim Paredes says Duterte meme aimed at fanatics of incoming president

Jim Paredes apologizes for sharing Duterte meme and says he takes full responsibility for it.


Nag-react si Jim Paredes matapos siyang batikusin ng ilang netizens nang i-share niya ang meme ni President-elect Rodrigo Duterte, kung saan nakapatong ang mukha nito sa larawan ng imahe ng Sto. Niño.

Ang nasabing tweet ni Jim ay tila pagpuna kay Duterte na kung tratuhin ay parang Diyos ng iba niyang mga tagasuporta.

Pero hindi natuwa ang iba; bukod sa tila hindi pa raw nakaka-move on si Jim sa pagkapanalo ni Duterte, idinamay pa raw niya ang santo.

Read: Jim Paredes criticized for posting meme about President-elect Rodrigo Duterte

Nitong Huwebes, June 2, sunud-sunod ang tweets ni Jim upang depensahan ang sarili.

Sa unang tweet, sinabi ng singer na hindi siya ang gumawa ng meme, pero shinare niya ito.

Ang pangunahing intensiyon raw niya ay punahin ang mga tao na kung tratuhin si Duterte ay isang Diyos.

Dugtong pa niya, kapag dinidipensahan ng mga tagasuporta ang isang tao at nagbabanta kahit na mali ito, halimbawa raw ito ng idolatry.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga taong nainsulto sa kanyang post.

Pero umaasa siyang may mga nakakuha ng kanyang mensahe.

Pinuna rin ni Jim ang mga nagbabanggit tungkol sa pagiging Kristiyano at pag-aakusa sa iba kung sila rin mismo ay gumagawa ng kasamaan, kagaya ng masamang asal at pagpapadala ng death threats.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN