Polo Ravales recounts negative encounter with Baron Geisler

Polo Ravales on his encounter with Baron Geisler: "Three weeks ago i saw him in Starbucks Imperial and then when his GF told him 'There's Polo, o,' instead of saying hi to me he just gave me a bad sign. He said fu%@ you in front of my gf, my brother and his wife."


Nakaka-relate daw ang aktor na si Polo Ravales sa galit na nararamdaman ng indie film actor na si Kiko Matos kay Baron Geisler.

Read: Eyewitness reveals version of Baron Geisler-Kiko Matos altercation

Sa Facebook post ni Polo kahapon, June 2, ay ikinuwento nito ang isang insidente kamakailan na kinasangkutan nila ni Baron.

Nakaranas daw siya ng pambabastos mula kay Baron habang kasama niya ang kanyang girlfriend, kapatid, at sister-in-law.

Pinigilan na lang daw ni Polo ang kanyang sarili na patulan si Baron.

Narito ang buong post ni Polo:

“My thoughts about baron... 3 weeks ago i saw him in Starbucks Imperial and then when his GF told him, 'There's Polo oh...'

“Instead of saying hi to me he just gave me a bad sign.

“He said fu%@ you in front of my gf, my brother and his wife.

“At first nagulat ako, napikon and uminit ang ulo... di ko sya pinatulan kasi alam kong di siya normal.

“Ayoko rin naman magsisi sa huli baka di maganda ang mangyari.

“Sana may makatulong sa kanya. Di lahat ng tao kayang magkontrol.

“And then after 2 weeks, there's this incident.”

Ang "incident" na tinutukoy ni Polo ay ang engkuwentro nina Baron at Kiko Matos sa isang fundraising event sa Tomato Kick Bar, sa Quezon City, noong May 27.

May binastos diumano si Baron na isang banda na nagpe-perform noong gabing iyon.

Nasangkot si Kiko dahil hindi raw niya kayang i-tolerate ang pagiging mayabang at ang ginagawang pambabastos diumano ni Baron sa naturang banda.

Dahil sa insidente, maghaharap sina Baron at Kiko sa isang MMA fight ng Universal Reality Combat Championship (URCC) sa June 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN