Derek Ramsay committed to helping TV5 get bigger

Derek Ramsay: "We still believe that we can make the network compete against the other bigger networks in the country… konting tiyaga lang, konting patience, konting sacrifice."


Nakatuon daw ang pansin ni Derek Ramsay para matulungan ang TV5.

Aniya, “I’m continuing to work hard to help TV5 get bigger and better.

“Mahirap yung trabaho namin pero hindi pa rin kami gumi-give up.

“We still believe that we can make the network compete against the other bigger networks in the country.

“So, konting tiyaga lang, konting patience, konting sacrifice, magagawa rin namin iyon.”

Imposible nga raw na may mag-offer sa kanya na lumipat sa ibang TV network dahil sa pinirmahang network contract ni Derek sa Kapatid network.

Sabi niya, “May existing contract pa ako. I’ve just signed with TV5 last year and I still have two more years with them.

“So, walang puwedeng mag-offer sa akin now.”

NOT TRUE. Pinabulaanan din ni Derek na tinanggihan niyang mapasama sa ni-reformat na Kapatid comedy and variety show na Happinas Happy Hour.

“Hindi yun totoo… it’s management decision,” sabi ni Derek nang makapanayam siya sa telepono ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang Happinas Happy Hour, na napapanood na ngayon tuwing Biyernes ng gabi pagkatapos ng PBA, ay ang dating Sunday variety show na Happy Truck Happinas.

Hindi na raw siya isinama sa cast ng dahil may gagawin dapat siyang bagong show.

Paliwanag niya, “They’re supposed to give me a show, na inumpisahan namin, pero nagkaproblema yata.

“So, umisip sila ng bagong concept ng show for me na mauumpisahan sana namin.

“Magmi-meeting sana kami last week, pero hindi natuloy.”

Bukas pa rin naman daw si Derek na mag-guest sa Happinas Happy Hour.

“Oo naman, mga kaibigan ko naman lahat ng nandoon; sina Ogie [Alcasid], Janno [Gibbs], Gelli [de Belen], and the rest of the cast.”

MOVIE PROJECTS. Habang naghihintay pa si Derek ng advice mula sa TV5 kung ano ang susunod niyang TV project, abala naman siya sa paggawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginagawa niya ngayon ang movie with Regal Entertainment kung saan kasama niya sina Lovi Poe at Christopher de Leon.

Patikim ni Derek sa istorya, “Isa akong escort dito, and then mag-uumpisa ako ng sarili kong escort service.

“Si Lovi yung magiging escort ko tapos mai-in love ako sa isa sa mga escort ko.”

Matapos niyang gawin ang Ex With Benefits with Coleen Garcia last year, may ino-offer din daw na bagong pelikula ang Star Cinema kung saan makakasama ni Derek sina Sam Milby at si Arci Muñoz.

“Medyo kakaiba yung role ko, gay ako.

“Well, tinatapos ko pa yung pagbasa ng script and then mag-uusap kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN