Darren Espanto refuses to elaborate backstabbing issue: "It's unfortunate po na I've experienced this."

Kinumpirma ni Darren Espanto na naranasan niyang siraan nang patalikod ng mga taong pinagkakatiwalaaan niya, ngunit ayaw na niyang idetalye ang tungkol sa isyu. Okey na rin daw na naranasan niya ito sa murang edad para maging maingat na siya sa mga taong kanyang makakasama.


Kinumpirma ni Darren Espanto na may mga nangba-backstab sa kanya.

Sa panayam ng 15-year-old singer sa Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes, June 2, sinabi ni Darren na parang masuwerte pa siya dahil sa murang edad ay naranasan na niya ang siraan nang patalikod.

Saad niya, “It’s unfortunate po na I’ve experienced this, and I won’t elaborate any further po, pero it’s true that I have been backstabbed.

“But the good thing… kasi I have learned this in an early age. 

“Good thing I learned from this is be careful with people I’ve trusted, I deal with or hangout with.”

Nitong nakaraang May 29, nabahala ang mga tagahanga ng binatilyong singer sa kanyang post sa Instagram tungkol sa 'backstabbers.'

Read: Darren Espanto posts cryptic message about backstabbers

Pagtatapos pa ni Darren, “It’s a good thing that I learned this at an early age.

“Just like the golden rule, ‘Don’t do to others what you do not want others to do unto you.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN