Jolina Magdangal no regrets on shelved teleserye with Toni Gonzaga

Jolina Magdangal is motivated to lend support to Toni Gonzaga during her pregnancy. She says, "Yung feeling kasi noong time ko, walang naggaganyan sa akin. Noong time ko, nagwi-wish ako na sana meron, so ngayon yun ang ginagawa ko. Kasi ang sarap, yung alam mong kahit hindi mo naman hinihingi. Pero natutuwa talaga ko kay Toni na nabuntis siya."


Hindi raw nanghinyang si Jolina Magdangal na naudlot ang primetime series ng ABS-CBN na Written In Our Stars dahil nabuntis ang co-star niyang si Toni Gonzaga.

Ayon kay Jolina, “Kasi yung istorya talaga, nakaikot sa kanya at saka kay Piolo [Pascual]. 

“At kung yung rason niya ay yun [pregnancy], okey lang, bata yun, e. 

“Puwede naman nating gawin ‘to anytime.
 
“Pero yung bata, miracle ‘yan, e. Bakit mo panghihinayangan?”

Wala pa raw siyang alam kung mapapalitan ito ng panibagong serye para sa kanya.

Dito ay biglang nabanggit ni Jolina na nami-miss niya ang namayapang kaibigang direktor na si Wenn Deramas.
 
“Nami-miss ko si Direk Wenn, sa totoo lang. 

“Nami-miss ko si Tito Deo [Endrinal] kasi sa kanila ko dapat gagawin…

“Ang tagal ko rin hinintay na maka-work sila sa production, tapos hindi natuloy.
 
“Hopefully, magtuluy-tuloy na sa Dreamscape kung meron ulit.”

Nakausap ng PEP si Jolina sa event ng Super Twins diapers na iniendorso nila ng anak na si Pele Iñigo Escueta.

BELLY BUDS. Halata namang natuwa si Jolina nang malaman na ang ibinigay niyang belly buds kay Toni ay ginagamit nito para sa anak niyang nasa sinapupunan.

Ang belly buds ay idinidikit sa tiyan ng ina para direktang makapakinig ng classical music ang baby sa womb.  

Sabi ni Jolina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang laki ng epekto nun [belly buds] kay Pele.

“Merong volume yung belly buds na pang-tiyan at meron din na kapag nasa crib na.”

Kasama ba si Jolina sa mga unang pinag-aminan ni Toni na buntis na nga ito noon?
 
Sabi niya, “Hindi, pero talagang… actually, kung close lang kami ni Iya [Villania], bibigyan ko rin si Iya.

“Iba rin kasi yung kay Toni, sobra akong na-touch sa gesture niya at vocal siya na dati…
 
“Well, isa pa dun, mabait siyang tao.
 
“Ang sarap maging mommy, ang sarap ng may laman ang tiyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sine-send-an ko pa siya ng mga links.

“Yung feeling kasi noong time ko, walang naggaganyan sa akin.

“Noong time ko, nagwi-wish ako na sana meron, so ngayon yun ang ginagawa ko.

“Kasi ang sarap, yung alam mong kahit hindi mo naman hinihingi.

“Pero natutuwa talaga ako kay Toni na nabuntis siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN