Angel Locsin reacts to Keanna Reeves's revelation about sexual encounter with Luis Manzano

Ayon kay Angel Locsin, gentleman ang ex-boyfriend na si Luis Manzano. Ganunpaman, kung totoo man ang mga usap-usapan tungkol dito, buhay naman daw yun ng aktor at sino naman ba siya para husgahan si Luis.


Kahit hiwalay na sila ni Luis Manzano, hindi pa rin tinatantanan si Angel Locsin ng kanyang mga tagahanga na nagpapaalam sa kanya ng mga bagong balita hinggil sa ex-boyfriend.

Isa na rito ang tungkol sa diumano’y sexual encounter ni Luis at ng sexy comedienne na si Keanna Reeves.

Noong May 30, isiniwalat ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition big winner, sa panayam sa kanya ni Mo Twister sa podcast nitong Good Times With Mo, ang anim na aktor na naka-sex niya diumano halos sampung taon na ang nakararaan.

Kabilang sa kanila sina Cogie Domingo, John Prats, Jay Manalo, Jake Cuenca, Joseph Bitangcol, at si Luis.

Read: Keanna Reeves claims she had sex with these actors

“BUHAY NAMAN NiYA YAN.” Kahapon, June 3, sa isang post ni Angel sa kanyang Instagram, may nag-comment tungkol sa naturang rebelasyon ni Keanna.

��

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Ayon kay @mariecatherineabs, matagal na raw niyang naririnig ang diumano’y sexual fetish ni Luis. Pinayuhan din niya si Angel na layuan na ang ex-boyfriend.

Sagot ni Angel, kung may katotohanan man daw ito, hayaan na lang dahil buhay naman daw yun ni Luis.

Sa ngayon daw, tigilan na muna siya ng mga komento tungkol kay Luis at nagmu-move on na siya.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaring ihayag ni Luis tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN