Aljur Abrenica finds Janine Gutierrez a worthy confidante

Aljur Abrenica on his Once Again co-star Janine Gutierrez: "Hindi naman natin maikakaila si Janine na ka-in love in love talaga siya. Tsaka wala naman akong nakitang… she's very kind, good-hearted, masarap siyang kasama so… kaya thankful ako na naging magkaibigan kami."


“We’re good!

“Nagkaroon ako ng panibagong kaibigan dito sa industriya, na kumportable ako, na kapanatagan ko ng loob ...

“Yung usapan namin kumportable, kahit mga personal na bagay, nase-share ko.

“So may bago akong kaibigan sa industriya—si Janine Gutierrez yun,” sagot ni Aljur Abrenica sa tanong kung kumusta na ang pagtatrabaho nila ni Janine sa bagong Kapuso serye na Once Again.

FALLING FOR JANINE? Tinanong namin si Aljur kung totoo ang kumakalat na balitang nai-in love na siya nang totohanan kay Janine; na hindi lamang onscreen ang pagtingin niya dito.

“Talaga? Tanungin niyo si Janine,” ang nakangiting reaksyon ni Aljur.

“Bakit ako?” mabilis namang sagot ni Janine na katabi ni Aljur habang ini-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Miyerkules, June 1, sa taping ng Once Again sa Century Park Hotel sa Roxas Blvd., Manila.

“Kumakain lang ako,” patuloy pa ring pag-iwas ni Aljur na sagutin ang tanong namin.

“Baka gusto mong baguhin, i-rephrase mo.”

Ka-in love in love ba si Janine para sa kanya?

“Iba yung ka-in love in love sa nai-in love,” pagklaro ni Aljur.

Naiin-love na ba siya kay Janine?

Tugon niya, “Kasi kung in love ako, sinuyo ko na siya. Niligawan ko na.”

So hindi pa siya in-love kay Janine?

Paglinaw niya, “Hindi naman natin maikakaila si Janine na ka-in love in love talaga siya.

“Tsaka wala naman akong nakitang… she’s very kind, good-hearted, masarap siyang kasama so… kaya thankful ako na naging magkaibigan kami.

“Oo. Dahil diyan sa point na yun.”

Magkaibigan pa lang sila, hindi pa siya nai-in love sa dalaga?

Aniya, “Hindi. Hindi pa.”

Ngumiti lamang si Aljur nang tanungin namin na iba kaya ang magiging sagot niya kung hindi kaharap si Janine.

FAVORITE SCENE. Samantala, tinanong namin si Aljur kung ano ang paborito niyang eksena nila ni Janine sa Once Again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Aljur, “Yung nasa burol, sa Taal. Hindi ko makakalimutan yun, pa-sunset yun, e.

“Tapos, pauwi na rin kami nun.

“Kasi iyon yung sa part ng pagkakaibigan namin ni Janine na naging open talaga ako, nasabi ko lahat.”

Kuwento lang raw siya nang kuwento kay Janine noong mga sandaling iyon.

Patuloy niya, “Kahit hindi niya tinatanong, ‘Alam mo ba…’

“Shinare ko sa kanya yung personal na nararamdaman ko sa moment na yun.

“And nakinig lang siya. Nakita ko na may kaibigan ako, na may nakakaintindi sa akin.

“Tapos, ‘yon, hindi ko na makakalimutan yun.”

FIRST TIME. Una silang nagkasama sa seryeng Dangwa pero hindi sila naging malapit sa isa’t isa noon.

Sa Once Again nabuo ang maganda nilang samahan bilang magkaibigan.

“Nung Dangwa, hindi kami nagkaroon ng chance, mabibilis kasi yung mga eksena namin dun.”

CONFIDANTE. Sa palagay ni Aljur, ano ang dahilan at magaan ang loob niya na mag-open up at magsabi ng kanyang mga sikreto kay Janine?

“Kasi kababalik lang natin,” pagtukoy ni Aljur sa “pamamahinga” niya sa GMA bago muling humarap sa kamera bilang isang Kapuso.

Alam naman ng lahat ng nagtangka si Aljur na magpa-release ng kontrata sa GMA noong 2014.

“At nagkataon na parehas kami ni Janine na motivated and excited sa project, so I really wanna make it work and nakikita ko naman sa kanya.

“So hindi kasi kami ganun ka-close before, may konting ilangan.

“Nag-share ako ng personal na bagay kasi para magkapanatagan kayo ng loob para pag nakikita sa kamera alam mong… alam mo yun?

“It’s very real—na may connection kayo, hindi yung pag sa kamera lang kayo haharap, mag-e-emote lang kayo, hindi kayo masyadong magkakilala, di ba?

“Kaya nasabi ko sa kanya. Tsaka hindi sa lahat sinasabi ko yun.

“Janine is mature, mature kasi siya and alam mong mapagkakatiwalaan,” patuloy na pagpuri niya para sa kanyang co-star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN