Janine Gutierrez cherishes newfound friendship with Aljur Abrenica

Janine Gutierrez on blooming friendship with Aljur Abrenica: "Wala kasi akong masyado talagang kaibigan na showbiz, e. So, siguro isa na si Aljur dun sa mga pinaka nakuwentuhan ko ng mga bagay na madaming hindi nakakaalam." 


“Kumusta ang mamuhay nang solo?” unang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janine Gutierrez noong nakapanayam naming siya sa taping ng Once Again sa Century Park Hotel sa Roxas Blvd., Manila noong nakaraang Miyerkules, June 1.

“Mabuti, pero kulang-kulang pa rin po ang mga gamit ko,” natatawang sagot niya.

Biniro namin si Janine na kung sakaling i-announce niya ang mga kulang pa niyang gamit, baka may magregalo sa kanya.

Mas lamang ba sa kanya ang pakiramdam ng happiness ngayong namumuhay na siyang mag-isa sa bago niyang condo unit sa San Juan?

“Masaya, kasi ngayon lang ako nagkaroon ng sarili kong kuwarto,” at muling tumawa si Janine.

Dati kasi ay kasama niya sa kuwarto ang mga kapatid niyang babaeng sina Jessica at Maxine.

“Tsaka ang kama ko kasi ever since, yung pinakamaliit,” ang tumatawa pa ring sinabi ni Janine.

MEMORABLE SCENE. Tinanong namin si Janine kung ano ang eksena nila ni Aljur Abrenica sa Once Again na memorable o espesyal para sa kanya?

“Siguro yung pilot, yung sa burol sa Taal. Yung Reign tsaka Edgar.”

Tungkol sa reincarnation ang Once Again, kaya bago naging sina Des at Aldrin sina Janine at Aljur, sila muna sina Reign at Edgar.

“Kasi iba yung character ni Reign tsaka ni Edgar parang mas makulit, tapos mas malambing.

“Kami kasi dito, [as Des and Aldrin], pigil pa, kasi boyfriend ko si JV [Jeric Gonzales], yung kapatid niya [Aldrin].

“Kaya favorite ko yung umpisa.”

Ayon kay Aljur, nakatagpo ito ng kaibigan kay Janine, at natutuwa siya dahil nakakapag-open up siya ditto.

“Marami po talaga siyang kinuwento. Wala naman akong choice,” at tumawa ang Kapuso actress.

Bakit hindi ito nangyari sa seryeng Dangwa na una nilang pinagsamahan? Ngayon lang sila naging very close ni Aljur.

“Ewan ko,” at natawa si Janine.

CONFIDANTE. Sa sobrang closeness nga nila ngayon ay nasasabi ni Aljur ang mga sikreto niya kay Janine, ayon na rin mismo kay Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Janine, nasasabi rin ba niya ang mga sikreto niya kay Aljur?

“Wala kasi akong masyado talagang kaibigan na showbiz, e.

“So, siguro isa na si Aljur dun sa mga pinaka nakuwentuhan ko ng mga bagay na madaming hindi nakakaalam,” lahad niya.

ALJUR’S ADMIRABLE TRAITS. Ngayong very close na sila, ano ang pinaka nagugustuhan ni Janine sa ugali ni Aljur?

“Maalaga. Kung may dalagang Pilipina, ano ang counterpart nun sa lalaki?

“Maginoo! Iyon.

“Palagi niyang tinatanong kung okay lang ako ‘tsaka feeling ko nararamdaman din niya pag medyo hindi ako okay,” at tumawa si Janine.

Sa kissing scene nila ni Aljur sa Once Again ay hindi pa rin daw ganoong kakumportable si Janine.

“Siyempre ano e, hindi pa rin ako sanay. Siguro bilang babae, nakakanerbiyos pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN