Coleen Garcia defends Billy Crawford against 'stage boyfriend' accusation

Coleen Garcia on boyfriend Billy Crawford: "I am just so overwhelmed with all the love that he is giving me."


Ipinagtanggol ni Coleen Garcia ang kasintahang si Billy Crawford sa isyung stage boyfriend daw ito dahil madalas diumnaong nakabantay sa shooting at taping niya ang TV host-singer.

Hindi ba parang nakakasakal ang ganun?

Sabi ni Coleen, “Sakal? No… hindi naman siya nakabantay.

“Actually, Billy and I are both so busy.

“This entire summer, we didn't got to do anything at all kaya kami magbo-Boracay, pero it’s raining na.

“We really didn’t to do anything. He had PGT [Pilipinas Got Talent] apart from It’s Showtime.

“He has a movie, he went to Guam, he went to many different provinces for shows.

“So we rarely to get to see each other.”

Dagdag pa niya, “Yung pagdalaw niya sa akin sa set, yun na lang ang effort niya para makita niya ako even though we are both busy.”
 
Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi problema sa kanila ni Billy ang oras.

Kadalasang nangyayari ito sa mga showbiz couple na parehong abala sa trabaho.

Pahayag ni Coleen, “The way I see it is, he’s coming to me so that we don’t create those kinds of problems for ourselves.

“At least di 'yan isa sa mga nagiging problema namin.

“And that’s really because of the effort that we make for each other.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Coleen sa bloggers cum thanksgiving solo presscon niya para sa pelikulang Love Me Tomorrow noong June 1 sa ABS-CBN compound.

SUPPORTIVE BOYFRIEND. Hindi raw maipaliwanag ni Coleen ang kasiyahan na sa achievements na natatamo niya ngayon, nasa tabi niya ang boyfriend na si Billy Crawford at nagbubunyi para sa kanya.   

Sabi ng Kapamilya actress, “Well, grabe yung feeling!

“I am just so overwhelmed with all the love that he is giving me.”

Ilang beses na ngang binabanggit ni Billy sa social media kung gaano niya ipinagmamalaki ang mga nararating ng kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Coleen tungkol dito, “In a time where you are moving to different heights, to different adventures in your life and in your career, you really need so much of that support from the people you’re with.

“Ang hirap pag wala yun, you’ll feel so alone.

“Now, ang dami kong moves na ginagawa, pero alam ko nandiyan lang siya.

“Alam ko na magkamali man ako, kahit mahulog man ako, I know that he’s always there to catch me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN