Sarah Lahbati expresses her admiration for President-elect Rodrigo Duterte

Nanawagan si Sarah Lahbati sa lahat na magkaisa na ngayong tapos na ang eleksyon. Sana raw ay itigil na ang bangayan at suportahan na lang si President-elect Rodrigo Duterte sa kanyang adhikaing mapaunlad ang bansa.


Isa sa mga nag-perform sa thanksgiving party ni President-elect Rodrigo Duterte na DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party” sa Davao City noong Sabado, June 4, ang StarStruck alumna na si Sarah Lahbati.

Pagkatapos ng kanyang performance, kaagad na nag-post ang Kapamilya talent sa Instagram ng kanyang paghanga sa bagong halal na pangulo.

Pahayag niya, “I've never fully believed in anyone as much as I believe in president-elect Duterte. I am equally hopeful to see his pledges realized.”

Nanawagan din ang partner ni Richard Gutierrez sa lahat na ngayong tapos na ang eleksyon, sana raw ay magkaisa na tayo at suportahan si Duterte sa kanyang mga paiiraling reporma sa bansa.

“In a democratic society it's important we all share different opinions but now the election is over, it's vital we all push in the same direction as a nation, with a shared purpose to succeed. Let's focus on Duterte's plans and the positive changes he can make for the country.”

Samantala, magkakaroon ng isa pang thanksgiving party ang incoming president sa Cebu City bukas, June 8.

Ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang media coverage sa event kaugnay na rin sa ipinapatupad ni Duterte na boycott sa mga media interview at coverage.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN