Patricia Tumulak avoids Alden Richards to silence bashers

Patricia Tumulak on avoiding Alden Richards: "Kasi, parang konting galaw ko, may papansin. So, hindi ko na siya kausapin. Kapag hindi ko naman siya kinausap, 'Ay, iniiwasan.' Hala, ambot, saan pa ba tayo lulugar diyan?"


Muling pinabulaanan ni Patricia Tumulak ang isyung nag-uugnay sa kanila ng kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Alden Richards.

Dahil sa isyung ito ay inuulan siya ng batikos mula sa ilang netizens, partikular na ang mga masugid na tagahanga ng AlDub loveteam nina Alden at Maine Mendoza.

At dahil sa pangba-bash na natatanggap ni Patricia, nagkusa na siyang umiwas kay Alden.

Pahayag niya, “Kasi, parang konting galaw ko, may papansin. So, hindi ko na siya kausapin.

“Kapag hindi ko naman siya kinausap, ‘Ay, iniiwasan.’

“Hala, ambot, saan pa ba tayo lulugar diyan?

“Wala, naging limited.”

Alam ni Alden na umiiwas na siya?

Saad ni Patricia, “Sabi ko talaga sa kanya, ‘Huwag na tayong mag-usap kahit walang malisya. Kasi konting galaw mo lang, waley na.’

“Sabi naman ni Alden, ‘Sige, respect din sa ‘yo.’

“Kasi alam mo, si Alden, kung sino ang malapitan niya, bash. 

“So, aware din siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patricia sa taping ng upcoming morning drama series ng GMA Network at TAPE Inc. na Calle Siete nitong Lunes, June 6.

Ang Calle Siete ang papalit sa magtatapos nang Princess in the Palace.

IS ALDEN REALLY COURTING HER? May lumabas na balitang nag-dinner daw silang dalawa ni Alden.

“Never! I swear to God,” tanggi ni Patricia.

“If ever na may dinner ako, hindi showbiz talaga. 

“Sinong nag-start nun? Yun ang hindi ko ma-pinpoint.

“Or baka may galit sa akin, nag-imbento lang para magkaroon ng isyu, pero wala.”

Hindi ba nagparamdam o nagkagusto ang Pambansang Bae sa kanya?

“Never kong na-feel,” mabilis na sagot ni Patricia.

“Sabi ko, paano nag-start, wala.

“Kilala ko ang sarili ko, hindi ako malandi. 

“Siguro mukha lang akong maarte talaga, pero hindi, e. 

“Iba yung term na landi.”

Kapag magkasama silang dalawa ni Alden, hindi ba niya naramdamang baka may atraksiyon nga ito sa kanya o nagagandahan ito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin ni Patricia, “Never, never… alam niyang ate niya ako at kapatid ko siya.”

Minsan na rin siyang nag-tweet ng “Ang tanda ko na, girl” na tila sagot niya sa mga nangba-bash sa kanya.

Paliwanag ng TV personality, “Lumabas pala yun. Hindi, kasi parang umano na yung ulo ko...

Kaya ‘ang tanda ko na, girl,’ meaning, hindi na ako papatol, bagets ‘yan.”

Ngunit giit ni Patricia, walang anumang namamagitan sa kanila ni Alden maliban sa pagiging magkatrabaho.

“Hindi talaga, never in a million years.

“Sa Eat Bulaga, sabi ko nga, family kami. Ako yung ate nila, nina Maine and Alden.

“Saan nila nakuha yung thought na mali-link sa akin? 

“Sabi nga nila, ako kasi yung single, so sa akin mababato, kasi ako yung walang idine-date.

“Sabi nga, ‘Mag-date ka na.’

“Pero for me, bakit ko ide-date, bakit ko ipi-pressure ang sarili ko para masabing may someone, para lang hindi ma-bash?

“Bahala sila...”

AFFECTED BY BASHERS. Kasama ang PEP sa second batch na nag-interview kay Patricia at iba pang cast members ng Calle Siete kahapon.

At inamin niyang noong first batch ng interview ay naluha na siya dahil sa isyu sa kanila ni Alden.

Saad ni Patricia, “Ako kasi, positive ako, dedma, keber, dumating sa point na nakalimutan kong mag-delete [ng comments].

“Ang nanay ko kasi, mahilig magbasa. Nabasa niya yung isang comment, humagulgol siya.

“Doon lang ako na-trigger na kailangan ko nang gumawa ng…

“Kasi, grabe talaga yung mga comments. Ito yung, ‘nanganak na, nagpalaglag, pokp*k na teacher, bakit nagpapa-cute, ang landi mo kay Alden…’”

Patuloy niya, “Yung mga retoke issue, okey lang, kasi totoo naman.

“Pre-school teacher ako dati. 

“Nag-Miriam grade school ako, nag-public school ako, nag-small school ako.

“Pero yung ibabalik mo na ‘malanding teacher ‘yan, teacher ka pa naman…’

Ang dahilan daw ng mga komentong ito sa kanya ay dahil sa pananamit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag naman ni Patricia, “May stylist po ako.

“Ang image ko sa Eat Bulaga, beauty queen ako, ayaw ko man, gusto ko man na maging casual, iba-ibang image kami sa hosting. 

“So, delete and block. 

“Nakalimutan ko lang magbura kasi mas naunang magbasa si Mama.

“Alista ako, never akong nagkuwento kay Mama. Pag umuuwi ako sa bahay, happy. 

“Kaya noong umiyak siya, doon ko lang sinabi na bina-bash ako, wala siyang clue.

“Ang sabi niya, ‘Bakit may ganitong magsalita sa ‘yo na tao na grabeng makapanghusga?’”

Sabi pa niya, “Paano ba mag-start? Ang haba ng kuwento ko.

“Nagsimula kay Alden, kay Maine. 

“Hindi naman AlDub ‘yan kung negative sila, di ba?

“Pero may mga tao talagang nangba-bash.

“Ako kasi ang single dun, ako talaga ang ipupuntirya.

“Na parang never akong magpapa-interview or gagawa ng statement sa IG kasi parang papansin.

“The best way is, dedma, block, block, block. Huwag lumaban.”

MAINE MENDOZA. Kinumusta rin namin kay Patricia ang relasyon niya kay Maine.

Aniya, “Okey kami ni Maine.

“Yun nga ang nakakatawa, parang yung nakapaligid sa amin, okey.

“Pero parang yung mga [fans] ang hindi okey. 

“Sabi ko nga, kailangan bang mag-statement dito?

“Hindi na, hayaan mo na.

“Parang karma na lang nila kung alam mo sa sarili mong wala kang ginagawa.”

Sa lahat ng pangba-bash sa kanya, ang pagsira sa reputasyon niya bilang isang teacher ang pinaka nasaktan siya.

“Noong idinamay na yung pagiging teacher ko.

“Yung malandi, nagpapa-cute, nagse-seduce. Dyusko, ‘Day!

“Ang downside kasi nun, yung family ko ang affected.

“Na parang gustuhin mo mang mag-step up, wala.

“Kaya sabi ko, ‘Ma, baka part ‘to ng industry.’

“Papansinin ka talaga, pero may downside yun.”

Sabi pa niya, “Pero kung alam mong wala kang tinatapakang tao, magpakatotoo ka lang, makikita yun without even defending yourself, without even pleasing everyone.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN