Marjorie Barretto's daughter Claudia flies to U.S. for missionary work

Para kay Marjorie Barretto, mahirap mawalay sa anak ngunit wala taw siyang magagawa dahil mas pinili ni Claudia Barretto na gawing makabuluhan ang kanyang summer break sa pamamagitan ng missionary work sa Amerika.


Umalis kahapon, June 7, ang pangalawang anak ni Marjorie Barretto kay Dennis Padilla na si Claudia.

Pumunta ng Amerika si Claudia upang tumulong sa missionary institution habang summer break.

Ayon kay Marjorie, mahirap para sa isang ina ang mawalay sa anak ngunit wala raw siyang magagawa dahil napakaganda ng adhikain nitong makatulong sa kapwa.

Sabi niya sa kanyang Instagram post: “This is me saying goodbye to Claudia who is traveling on her own.

"I wanted to jump on the plane with her.

"But I guess that part of being a good parent is allowing your child to explore and grow.”

Nangako naman itong ipagdadasal ang anak sa araw-araw nitong pagtatrabaho sa Amerika at labis daw niya itong ipinagmamalaki.

Aniya, “Letting go is never easy... My heart breaks.

"My daughter Claudia decided to spend her summer doing mission work in the States, I was tempted to say NO, but how could I?

“Her heart was in the right place. God bless you and I pray that you will be safe.

"And I thank God everyday for being my partner in raising my children, it's not always easy, but God has always had my back...

“I love you Claudia, have the best summer of your life... I'M AM PROUD OF YOU!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN