Angel Locsin on choosing JaDine over KathNiel: "Ang tanong sa akin, real-life couple."

A netizen asked Angel Locsin why the Kapamilya actress chose JaDine as her favorite love team and not KathNiel. Read on to find out Angel's explanation.


Nagpaliwanag si Angel Locsin kung bakit ang love team na JaDine (James Reid-Nadine Lustre) ang kanyang napiling isagot kung sino ang paborito niyang love pair.

Isang netizen kasi ang nagtanong kay Angel via Instagram kung bakit mas pinili ng aktres ang JaDine at hindi ang KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) bilang paborito niyang love team.

Tanong ng nasabing netizen kay Angel: “Di ka ba fan ng Kathniel? Eh sila yung OTP [one true pair] at naka-inspire na couple. Mula noon hanggang ngayon sila pa rin at napaka-gentleman at protective ni DJ na wala sa ibang babae, unlike sa OTP mo. I know di ka fan ng KathNiel dahil di sila umamin.”

Nagpaliwanag naman si Angel kung bakit JaDine ang kanyang isinagot nang matanong siya.

“Ang tanong sa akin, real-life couple.”

Hindi raw kasi sigurado ang aktres kung umamin na ba sina Daniel at Kathryn kung magkarelasyon na sila.

Pinuri naman ni Angel ang KathNiel. Sa katunayan, gustung-gusto raw niya ang teleserye nilang Got To Believe.

Muling sumagot ang netizen at binanggit nitong sinasabi ng JaDine fans na ang JaDine nga ang “favorite love team” ng ABS-CBN actress “at hindi KathNiel.”

Muling sumagot si Angel, at paglilinaw niya, “Ahh. Yes, I like Jadine. I also like other team ups, like KathNiel. Pero akala ko ang tanong ay real-life couple. Hindi pa ata pwede sila kasi bata pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN