Vice Ganda assures there's no issue between him and Kris Aquino despite different political views

Vice Ganda on changes that incoming President Rodrigo Duterte will implement: "Yung mga changes, yun talaga ang hinihintay ko. Everybody has long been waiting for the change to come dito sa Pilipinas. Sabi ko nga kay Baste, ako, I'm excited sa metamorphosis na mangyayari."


Tiniyak ni Vice Ganda na walang isyu sa pagitan nila ng kaibigang si Kris Aquino sa kabila ng magkaiba ang sinuportahan nilang mga kandidato noong nakaraang eleksyon.

Bagamat hindi direktang nangampanya ay suportado ni Vice si President-elect Rodrigo Duterte.

Patunay nga nito ang pagdalo niya sa thanksgiving party ng incoming president sa Davao City noong June 4.

Si Kris naman ay hayagang sumuporta sa mga kandidato ng Liberal Party, na siyang partido ng kanyang kapatid na si outgoing President Noynoy Aquino, na sina Mar Roxas for president at Leni Robredo for vice president.

Sa katunayan, si Kris pa nga ang lumalabas na top contributor sa kampanya ni Vice President-elect Robredo.

Read: Kris Aquino top contributor to Leni Robredo's campaign

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice sa set ng It’s Showtime noong Miyerkules, June 8, sinabi nitong hindi ito isyu sa kanila ni Kris.

“Walang isyu ever since.

“Hindi naman kinakailangan na pare-pareho ng opinyon, na pare-pareho ng paniniwala.

“May mga differences tayo and we all just have to accept that.”

Bagamat may haka-haka o usap-usapang anti-Duterte ang home network ni Vice na ABS-CBN, nilinaw ng comedian-TV host na kahit kailan ay hindi nanghimasok o nakialam ang Kapamilya network sa sinumang gustong iboto ng mga empleyado nila.

Maging ang pagdalo raw niya sa thanksgiving party ni Duterte ay hindi naging isyu.

Saad niya, “I personally don’t see anything wrong with that kasi thanksgiving party naman yun, hindi naman siya kampanya.

“Saka ang management naman, hindi naman kami sinasaklawan sa mga personal naming paniniwala.

“The management has given us the freedom na i-exercise din ang mga paniniwala namin.

“Hindi naman kami sinasaklawan ng management, walang ganun.”

Positibo naman ang It’s Showtime host sa mga pagbabagong magaganap sa administrasyon ng bagong pangulo ng bansa.

“Yung mga changes, yun talaga ang hinihintay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everybody has long been waiting for the change to come dito sa Pilipinas.

“Sabi ko nga kay Baste, ako, I’m excited sa metamorphosis na mangyayari.”

DUTERTE THANKSGIVING PARTY. Ipinaliwang naman ni Vice kung bakit hindi siya nakapag-perform sa thanksgiving party ni Duterte.

Lahad niya, “Sumabog yung generator.

“Umuulan ng malakas na malakas, tapos nung pasampa na ako, bago ako i-introduce, sumabog yung generator.

“Pinilit nilang ayusin, in-advise na huwag nang ayusin kasi nga dangerous. Kasi basa ang lahat, umuulan.

“Sabi ko, huwag na rin akong pag-perform-in.

“Pero umakyat pa rin ako, baka puwedeng magpakita lang.

“Sumisigaw yung mga tao, nakakahiya din kasi ang tagal nilang naghintay.

“Since tanghali nandun na sila, e, ang performance ko talaga, alas-dose pa [ng madaling-araw]. Finale ako, e.

“Pinasampa ako sa stage, umikot lang ako, kumaway ako, tapos bumaba ako dun sa tao.”

Sa nasabing pagtitipon ay nagkaroon din ng pagkakataon si Vice para maka-bonding ang anak ni Mayor Duterte na si Baste Duterte, na sikat na sikat na ngayon sa social media.

“Oo, nag-bonding kami ni Baste after ng show. Social media rockstar nga siya. Sikat siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN