Enchong Dee hopes Duterte and Robredo will fulfill their campaign promises

Umaasa si Enchong Dee na tutuparin ng lahat ng mga nanalong kandidato nitong nakaraang national elections ang ipinangako nila sa bayan noong campaign period.


Isa si Enchong Dee sa milyun-milyong Pilipino na natuwa sa pagkapanalo ni Vice President-elect Leni Robredo.

Isa rin kasi siya sa unang naghayag ng suporta sa outgoing Camarines Sur congresswoman nang nagdeklara na ito ng kanyang kandidatura.

Read: Enchong Dee endorses VP candidate Leni Robredo for free

Sabi ng Kapamilya actor, “Isn’t she the most valid? Yun lang naman ako, e.

“I know her personally, I know what she can do.

“I’m very vocal about my opinion simply because I’m the only one who can say it like this.

“Kapag tinanong yung ibang artista, not that I’m comparing, they’re very safe.

“They’re very afraid to be crushed by other people’s opinion; me, I really don’t care.

“When you reach a point wherein you know what you can do and you know who you are, you really don’t care about other people.”

Si Leni ay nanalo lamang ng halos 200,000 boto sa mahigpit nitong katunggali na si Senator Bongbong Marcos.

Read: Leni Robredo beats Bongbong Marcos in VP race by slim margin

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa presscon ng bago nitong pelikula na I Love You To Death, kaninang tanghali, June 10, sa Valencia Events Place, sa Quezon City.

FOR DUTERTE. Sa tingin ba ni Enchong ay balanse ang tandem nina VP Leni at incoming President Rodrigo Duterte?

Sagot ng 27-year-old Kapamilya actor, “Yeah, yeah. To be honest, I voted for him, too.”

Matatandaang sampung araw bago ang halalan, namimili pa si Enchong sa pagitan nina Sen. Miriam Defensor-Santiagoat Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung sino ang kanyang iboboto sa pagka-presidente.

Read: Enchong Dee torn between Miriam Defensor-Santiago and Rodrigo Duterte for president

Ano naman ang inaasahan niya sa paparating na administrasyon?

Tugon ni Enchong, “I just wish that they really do what they said in the campaign period, not only the President and the Vice President, but all the public officials.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN