Kiray Celis reveals downside of being a box-office star

Comedienne Kiray Celis reveals the downside of being a commercial box-office success: "Baka kung nagdedemand ka, isipin nila lumalaki na ang ulo ko. Ang hirap."


Tinanong namin si Kiray Celis kung ano na ang mga nabago sa kanya simula nang kumita ang unang pelikula niya sa Regal Films na siya ang bida.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa presscon ng I Love You to Death sa Valencia Events Place noong June 10.

“Mas kumapal ang kilay ko,” biro niya.

“Actually, sa pangalawa pala ang hirap.

“Baka kung nagde-demand ka, isipin nila lumalaki na ang ulo ko. Ang hirap.”

Dugtong pa niya, “Kunwari, konting ano lang, ma-late ako ng ten minutes, isipin nila lumalaki na ang ulo ko.

“E, dati, hindi naman nila ako pinapansin kahit ma-late pa 'ko ng one hour.

“Ang hirap pala!”

Mas conscious siya ngayon na baka may masabi sa kanya?

“Sobra!” saad niya.

“Halimbawa sa tent, mainit, hindi mo masabing, 'Ano ba ‘yan, ang init-init!' Hindi mo masabi kasi ngayon, baka may meaning na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN