Enchong Dee describes platonic relationship with BFF Bea Alonzo: "Walang pagnanasa."

Enchong Dee describes how close he is to BFF Bea Alonzo: "Yung tipong if you need me, I'll be there. She's been through a lot and I was always there. Kumbaga, kapag may sinabi siya sa akin, alam niyang period na yun. Wala nang comma na malalaman pa ng iba."


Ika-sampung taon na raw ni Enchong Dee sa showbiz.

Kaya nagpahayag ito na gusto niya, sa pagpasok ng bagong dekada sa showbiz career niya, gusto naman niyang maiba na ang ginagawa niya.

Satisfied naman daw siya sa tinakbo ng career niya sa loob ng sampung taon.

“Very much, very much satisfied,” saad ni Enchong nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bago niyang pelikula sa Regal Films, ang I Love You To Death na ipapalabas na sa July 6.

Ayon pa kay Enchong, “Hindi ako na-burn-out. I know how to say stop when I need to stop.

“Kumbaga, yung eight years, sobrang busy, sobrang hectic.

“I needed that two years para hindi ako... siguro para hindi ako maging alcoholic, hindi ako maging drug addict, di ba?

“I really needed that,” lahad niya.

Aminado naman si Enchong na sa loob ng sampung taon, may mga proyekto raw siyang nahindian na pinanghinayangan niya.

“Meron talaga,” saad niya.

“Meron din naman akong mga taong siguro nasaktan along the way.

“Yun naman ang mga inevitable disappointment.”

CHANGE IS COMING. Gusto naman nga ni Enchong na may mga gagawin siya ngayon na mga bago at hindi na katulad ng mga dati niyang ginagawa.

Ayon sa Kapamilya actor, “Siyempre naman, di ba? Sampung taon ka na.”

Ano na ang mga gusto niyang gawin?

Aniya, “Ayoko na nung the usual siguro, yung boy-next-door.

“Sawang-sawa ka na.

“Pero siyempre, hindi mo naman maiiwasan yun, babalik at babalik ka rin because yun nga yung strength mo.

“Siguro I will do that once and then, I will do other things. Kumbaga, variation.”

Handa na siyang maging daring?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

“I’m already twenty-seven and I’m on my tenth year.

“I can’t do the same role over and over again. Katulad nitong I Love You To Death, gusto ko ‘to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang zombie na may iba pang karakter ang ginagampanan ni Enchong sa pelikula nila ni Kiray Celis sa Regal Films.

READY FOR DARING ROLES? Tinanong din namin si Enchong kung hanggang saan ang kaya niyang pagpapaka-daring.

“It’s the same, kapag tinanggap mo yung trabaho na yun.

“It has to follow. Kung kailangan kong maging mataba rito, magpapataba ako.

“Kung kailangan kong magpa-abs dito, magpapa-abs ako,” sabi niya.

Paano kung kailanganin ang nudity?

“Pag-iisipan ko yun,” mabilis niyang sagot.

“Hindi naman tayo yung basta, 'O dito sa proyektong ito, maghuhubad ka.' 'Okey, maghuhubad ako, ano ang kuwento?'”

Yung same sex kissing scene?

“I don’t mind. I will do it. Sabi ko nga, kung yun ang nakaplano.”

Paano kung may love scene sa kapwa niya aktor?

“I will do it, it’s the same thing.

“Sabi ko nga, kung gusto ko yung proyekto at maganda ang gagawin ko, I will do. It’s the same,” giit niya.

Sabi pa niya, “Bilang artista, ang trabaho namin ay hindi maging bida, hind imaging paulit-ulit.

“Ang trabaho namin ay pag-aralan ang trabahong nabigay sa amin.

“At kapag nagsabi ka ng yes sa proyektong yun, kaakibat nun ang maraming bagay.

“Kaakibat nun yung promo, hindi ka nagrereklamo sa set, nakikitungo ka sa lahat ng katrabaho mo, simply because you said yes.”

NOT THREATENED BY NEWBIES. Nilinaw ni Enchong na wala siyang nararamdamang pagka-threaten sa mga nagsulputan na mga bagong matinee idols ng Kapamilya network.

Lagpas na raw siya sa stage na yun.

“I’m past that stage.

“Unang-una, I’m older, I’m more experienced, and number three, best example is Ian Veneracion, di ba?

“Past my age but big break right now,” lahad niya.

Sabi rin niya, “I hope I can last in the business as much as I can.

“I don’t know kung tatangkilikin niyo pa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga ang sinasabi ko, maraming kaakibat ang pagiging artista, hindi lang dapat guwapo ka.

“Hindi lang dapat magaling kang kumanta, sumayaw.

“Kailangan magaling ka rin makitungo sa mga tao.”

BEA ALONZO AS BFF. Sa ngayon, wala raw siyang lovelife at wala rin siyang nililigawan.

Pero sa mga aktres, makikitang pinakamalapit talaga siya sa aktres na si Bea Alonzo.

Ani Enchong, “Sa babae siguro, si Bea ang pinakamalapit ko. Sa lalaki, si Rayver [Cruz] siguro.”

May anim na taon na raw silang BFF ni Bea. Kaya ang tanong nga namin sa kanya, yung pagkakaibigan ba nila ay yung tipong, tell-all?

“Not exactly,” saad niya.

“Yung tipong if you need me, I’ll be there. She’s been through a lot and I was always there.”

Alam niya ang mga pinagdadaanan ni Bea?

“Yeah and nothing went out. Kumbaga, kapag may sinabi siya sa akin, alam niyang period na yun.

“Wala nang comma na malalaman pa ng iba,” biro niya.

Pero hanggang BFF lang talaga sila ni Bea?

“Oo naman! Actually, hindi na nga friends, parang kapatid na nga, e.”

ADMIRATION. Diretsahan din tinanong si Enchong kung kailan niya nasabi sa sarili niya na wala na siyang nararamdamang paghanga bilang isang lalaki sa isang babae tulad ni Bea.

Sabi naman niya, “Walang putol ng desire, kasi for you to become friend with someone also, there’s always a physical match, di ba? Hindi naman puwede na...”

Hindi siya umabot sa pagnanasa na ligawan din ito?

“I think pagnanasa is too much of a word. I think, admiration is the more proper term.

“So walang pagnanasa,” pagklaro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN