Daniel Matsunaga demonstrates how much he loves Erich Gonzales in the most unusual way

For the love of Erich Gonzales, Daniel Matsunaga catches the flies that disturb her sleep and clip their wings, "Hindi ko pinapatay mga langaw, nandoon pa rin sila, pero wala na lang yung wings."


Ayon kay Daniel Matsunaga, malaking bagay ang pagiging real-life couple nila ni Erich Gonzales sa trabaho.

Magkasama ang dalawa sa morning drama series ng ABS-CBN na Be My Lady.

“Oo naman, siyempre mas kumportable kami sa isa’t isa.

“We’re always there to support each other.

“Kahit alam naming work ‘to, we get to spend more time with each other and getting to know each other better.

“Much, much better,” pahayag ni Daniel nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping nila sa Arayat, Pampanga, noong Biyernes, June 10.

Ang relasyon nga raw nila ng girlfriend ang isa sa mga itinuturing ni Daniel na malaking blessing na kanyang natanggap, bukod sa pagkapanalo niya sa Pinoy Big Brother.

Kaya panibagong blessing daw sa kanya ang magagandang nangyayari sa teleserye nila ni Erich na papasok na ngayon sa third season.

Pahayag ni Daniel, “It’s a blessing, God is good. God is great.

“We’re very blessed by the show.

“A lot of good feedback, sobrang positive.

“They love the show, they love the story, they love Phil and Pinang.
 
“It’s really nice, despite our super hectic schedules now, we’re taping almost every day.

“Super-puyat kami, pero super-sulit.

“We’re making people happy, inspired with our show, so it’s a great blessing.”
 
Malayo man daw ng location nila at mainit, “Masaya naman. Marami rin animals at saka walang pollution.”

MORE LOVE. Ayon pa kay Daniel, araw-araw ay mas lalong napapamahal sa kanya si Erich.
 
Nabanggit naman ni Erich na may kakaibang talento pala si Daniel.

Kapag nasa tent daw sila, nakakahuli ito ng langaw at tinatanggalan pa ng pakpak.
 
Natatawang paliwanag ng Brazilian-Japanese model-actor, “Nanghuhuli ako ng langaw kasi hindi niya [Erich] kayang matulog kapag may langaw.
 
“Kaya kahit langaw, nakukuha ko at tatanggalin ko yung wings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi ko pinapatay mga langaw, nandoon pa rin sila, pero wala na lang yung wings.”
 
Ano naman yung mga bago niyang nadidiskubre sa kanyang girlfriend?
 
“Sobrang lambing, nandun siya palagi sa akin, magaling siyang mag-massage sa akin.

“At magaling din siyang mag-joke,” sabi ni Daniel.
 
Sa umpisa pa lang ay naging open sina Daniel at Erich tungkol sa kanilang dalawa.

Positibo naman ang naging epekto nito hanggang sa kanilang serye.

Ani Daniel, “Siyempre dapat maging totoo, kasi lahat ng fans, they deserve that.

“To be true to them, they’re there for you, supporting you all the time.
 
“And there’s no reason to hide naman, yung mga relationship.

“And if it’s okay with the parents e, di okey.”
 
Parehong ngang okey ang pamilya nina Daniel at Erich sa relasyon nila.
 
“Oo, okey na okey ang pamilya ko sa kanya, okey ang pamilya niya sa akin.”
 
Ayon kay Daniel, nasa Manila ngayon ang pamilya ni Erich na galing sa Davao.
 
“Siyempre, we’ll make time for them, kahit busy, we want to spend time with them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN