Paolo Gumabao laughs off scandalous photo allegedly involving his brother Marco

Paolo Gumabao firmly denies his brother Marco is involved in the latest photo scandal. "It's him in the picture pero the lower part is edited… halata naman, e. It's easy to edit stuff right now."

 


Mariing itinanggi ni Paolo Gumabao na ang kapatid niyang si Marco Gumabao ang nasa controversial nude photo na kumalat sa Internet.

Sabi ng baguhang aktor, “It’s not him. It’s him in the picture pero the lower part is edited.

“Nung nakita ko, I know right away na it’s not him. 

“Marco is not the type of guy who would do that. Natawa lang ako nong nakita ko yung photo.

“Sabi ko, 'Marco, may nanggago sa iyo… ginagago ka.'”

Ayon kay Paolo, kahit sino ay puwedeng i-edit ang larawan.

Sabi pa niya, “Ako nga nagpu-Photoshop… let’s say nakatayo, madaling i-edit yun.”

Tinanong din daw niya ang kapatid kung totoo, pero mariin raw nitong itinanggi na siya ang nasa scandalous photo.

Pagpapatuloy ni Paolo, “I know it’s edited, halata naman, e. 

“It’s easy to edit stuff right now. Nakikita mo ba yung mga ginagawa sa pelikula? 

“Yung mga video sa Facebook, madali lang mag-edit.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa presscon ng I Love You To Death nong Biyernes, June10, sa Valencia Events Place, Quezon City.

BEING A GUMABAO. Napangiti naman si Paolo sa tanong kung sinubukan na ba niyang kunan ang sarili nang nakahubad.

Komento niya habang nakangisi, “Hindi natin alam… secret!”

Pero inamin nitong adventurous siya.

“I’m a super open-minded guy, liberated ako.

“Open to all kind of experiences. I’m that kind of guy.”

Never pang nasangkot si Paolo sa isang video o photo scandal.

Pero kung sakali, “Hindi ako yung type ng tao na pag may lumabas, idi-deny ko. 

“Kung hindi ako, siyempre idi-deny ko. 

“Kung ako, why would I deny it? 

“Ayoko naman na naging artista ako and I have to fake everything.

“I have to fake being like this, being like that para sumikat ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong sumikat kasi ako, ako.”

Isa lang daw ang makakapagpagulat kay Paolo kung sakaling may isyung lalabas sa kanya.

Yun ay ang pagkakaroon niya ng anak o love child sa isang babae.

“Magugulat ako kasi…” tawa niya.

Hindi raw mangyayari yun dahil maingat daw siya.

“Yeah, of course!”

Dagdag pa niya, “Ang dugo ko talaga ay Gumabao na Gumabao!”

Ipinagmalaki ni Paolo na masaya para sa kanya at suportado siya sa kanyang showbiz career ng dalawa niyang ama.

Ito ay ang stepdad niya at ang biological father niyang si Dennis Roldan na nakakulong pa hanggang ngayon.

Wala raw ideya si Paolo kung kailan ito makakalaya, pero regular pa rin raw niyang nadadalaw ang ama.

CAREER. Samantala, ikatlong pelikula na ni Paolo sa Regal Entertainment ang I Love You To Death, na pinagbibidahan nina Kiray Celis at Enchong Dee mula sa direksiyon ni Miko Livelo.

Ang una niya ay ang Haunted Mansion na kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2015 at pinagbidahan ni Janella Salvador.

May nakaimbak pa siyang pelikula sa nasabing film company na pinamagatang That Thing Called Tanga.

Supporting roles man ang nakukuha ni Paolo, masaya pa rin siya sa acting opportunities na ibinibigay sa kanya.

Saad niya, “Kasi bata pa lang ako, pinangarap ko nang mag-artista.

“Who am I to say na hindi ako masaya sa ginagawa ko ngayon? 

“At least, nabibigyan ako ng exposure at nakakasama ako sa mga pelikula.

“Si Kuya Enchong, when I was a kid, pinapanood ko lang siya noon, ngayon nakakasama ko na. 

“At si Kiray din… masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN