Kristine Hermosa on doing a project with GMA-7: "It's time for a change."

Kristine Hermosa on the changes she wants to see in doing teleseryes: "Ayaw ko ng magulo. Gusto ko kapag nagtrabaho ako, kalmado lahat ng tao, walang murahan, hindi nagbabastusan. Kasi, nakaka-degrade 'yon ng pagkatao. Dinanas ko kasi 'yan, kaya alam ko kung gaano kadumi rin ang industry."


Nilinaw ni Kristine Hermosa na wala na siyang kontrata sa dati niyang home network, ang ABS-CBN.

Kaya't wala ring problema na sa pagbabalik niya ngayon sa pag-arte ay sa GMA Network na siya mapapanood.

Ito ay sa pamamagitan ng bagong comedy series na Hay Bahay!, kung saan makakasama niya ang kanyang father-in-law na si Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, at ang kanyang mister na si Oyo Sotto.

Sa press conference ng Hay Bahay! nitong Lunes, June 13, ipinaliwanag ni Kristine na noon pa man ay hindi na siya nakatali sa Kapamilya network.

“Sa totoo po, matagal na akong walang kontrata sa kanila.

“Kahit noong mga panahon na gumagawa pa ako ng show sa kanila, wala na hong contract, hindi na ho ako pumipirma talaga.”

Dagdag pa niya, “Nagpaalam din ako sa kanila nang maayos, na may gagawin akong show with dad and Oyo.

“Okay naman. Sabi nila, kung saan daw ako masaya.

“E, masaya naman ako sa gagawin kong show, so naiintindihan naman nila.”

Ibig sabihin ba nito ay okay lang sa kanyang matawag na isang Kapuso artist?

Nakangiting sagot ni Kristine, “Wala naman pong problema sa akin ang ma-label or whatsoever.

It's not about the label actually. Kapag nakikita ko ang sarili ko, naninibago ako, siyempre, time for change.”

Walang network contract sa GMA-7 si Kristine dahil ang Hay Bahay! ay co-produced ng M-ZET TV Productions Inc., na pag-aari ni Vic, at ng Kapuso network.

Gayunman, aminado si Kristine na bagamat may mga na-excite sa kanyang pagbabalik-telebisyon, mayroon din ang hindi natuwa lalo pa't sa ibang network na siya mapapanood.

Alam ko na marami ring na-excite. Thank you sa na-excite, yung mga natuwa sa pagbabalik ko.

Pero alam ko na marami rin ang na-disappoint dahil dito. Parang ako, okay lang.

Di ba, kapag talagang iniidolo mo or sinu-support mo ang isang artista, kahit saan pa 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At least, may mga nare-reveal din, may mga panibagong realization, but I'm happy.”

Huling napanood si Kristine sa ABS-CBN sa fantasy-drama series na Noah noong 2010.

NO MORE DRAMA. Ilang beses nang nabanggit sa press conference ng Hay Bahay! na ayaw na munang gumawa ni Kristine ng anumang drama project.

“Madrama na sa buhay, bawasan na natin. Pati ba sa trabaho, kailangan ba iyakan pa rin?” natatawang paliwanag ng aktres.

Noon pa man daw gustung-gusto na niyang gumawa ng isang comedy show.

“Sa totoo, kahit noong nagda-drama pa ako, gusto ko na talaga ng comedy.

“Kaya nga noong isinama nila ako sa movie, sa Enteng Kabisote dati, parang yun ang pahinga ko.

Kasi, di ba, nagte-teleserye rin ako that time?

So, every time may shooting kami, parang yun ang rest ko kasi nakakapag-action ako doon, may comedy na eksena.

Gusto ko na talaga yun ever since.”

Sa hiwalay na panayam kay Kristine matapos ang presscon proper, nabanggit din niyang marahil ay na-burnout na siya sa madalas na paggawa ng drama movies at teleserye.

Pahayag niya, “Siguro napagod na ako.

Parang taun-taon dati, in a year, ilang drama ang ginagawa ko. Tapos movie, drama rin.

Siguro napagod na rin ako, na-burnout na rin.

'Tapos, nakita mo na rin kasi yung hindi maganda.”

Bukod dito, hindi rin daw maganda ang paggawa ng drama series para sa kanya na tutok na ngayon sa pagiging ina.

Katuwiran niya, “Alam ko rin kasi sa sarili ko na if I do drama again, pag-uwi ko sa bahay, ano pa yung lakas na maibibigay ko sa mga anak ko, wala na.

Kumbaga, draining siya, e. Kung dati nga wala pa akong pamilya, wala pa akong asawa, nade-drain na ako.

Kumbaga, yung mga araw na natitira sa akin [noon], I would just sleep or pumunta sa salon. Ganun na lang ang gagawin mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHANGE IN THE SYSTEM. Nabanggit din ni Kristine na isang dahilan kung bakit nag-aalangan siyang bumalik sa paggawa ng drama projects ay ang mga nakagawian na sa industriya.

I don't see it now.

“Depende kung saan ako dadalhin ni God, kung gusto pa ba Niya ako gumawa ng drama. Hindi ko talaga masabi pa.

Parang as of now, masaya ako sa ganito. Okay ako na relaxed lang.

Pinagpe-pray ko rin ang system ng industry. Ayaw ko ng magulo.

Gusto ko kapag nagtrabaho ako, kalmado lahat ng tao, walang murahan, hindi nagbabastusan.

Kasi, nakaka-degrade 'yon ng pagkatao. Dinanas ko kasi 'yan, kaya alam ko kung gaano kadumi rin ang industry.”

Dagdag pa ni Kristine, “I really pray na talagang malinis na.

“Kung dumating ang panahon na yun, baka um-all out ako, baka ganahan akong bumalik ulit nang full blast.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN