Erika Padilla in no hurry to settle down with ex-PBA player Jeffrey Cariaso

Erika Padilla on why she will not pose for FHM again: "Ayoko lang din po kasi ng attachment. Parang sapat na yung nag-cover ako dahil nakikita ako na ako yung malaking boobs, ako yung malaking balakang sa courtside. So, sapat na yun, parang hindi naman kailangang ganun ang image."


Isang taon at pitong buwan na ang relasyon ng actress-TV host na si Erika Padilla sa dating PBA player at ngayon ay camp director ng Alaska na si Jeffrey Cariaso.

Nagkakilala sila dahil nagku-courtside reporter si Erika sa Philippine Basketball Association (PBA).

Masarap bang boyfriend ang isang basketbolista?

Sagot ni Erika, “Mas masarap po yung part na mas matanda siya sa akin.

“He’s older of fourteen years. Forty-four na siya, I’m turning thirty. 

“Parang mas magka-wavelength kami.

“Siya po ang pangalawang dyowa ko, ang unang dyowa ko, ka-age ko lang.”

Ang unang boyfriend daw ni Erika ay ang StarStruck alumnus na si Anton dela Paz, na flight steward na ngayon sa Philippine Airlines.

Napag-uusapan na rin daw nina Erika at Jeffrey ang tungkol sa pagpapakasal.

Sabi niya, “Napag-usapan na po namin, pero hindi naman po urgent na pangyayari na kailangan nang mangyari yun within the year.”

Proud of you Coach ?????

A photo posted by Erika Padilla (@padillaerika) on

WORKING FOR DIFFERENT NETWORKS. Si Erika ay kabilang sa iilang artista na nagagawang tumawid ng networks.

Maliban sa pagiging courtside reporter ng PBA sa TV5, napapanood din siya sa primetime series ng GMA Network na Juan Happy Love Story kung saan gumaganap siya bilang kapatid ni Heart Evangelista.

Pero bago ito ay napanood siya sa Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN.

Kasalukuyan din niyang tinatapos ang pelikulang Achy Breaky Heart ng Star Cinema, kung saan best friend ni Jodi Sta. Maria ang role niya.

Paano niya nagagawang tumawid sa iba’t ibang networks?

Sagot ni Erika, “I’d like to think na maayos naman po akong makitungo sa mga tao at mahusay naman ako sa trabahong ibinibigay ko.”

Si Dominic Roco ang kapareha ni Erika sa Juan Happy Love Story.

Wala raw silang love scene katulad nina Heart Evangelista at Dennis Trillo, pero mayroon daw silang kissing scenes.

Napapanood din daw ito ng boyfriend niyang si Jeffrey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Erika, “Hindi po siya sanay sa ganun, so nagulat lang po siya.

“Pero sabi ko sa kanya, you have to understand, kasi hindi naman na ako puwedeng…

“Well, ako na yung nanay. Hindi naman ako puwedeng anak.

“So, ang mga roles ko na, may asawa na ako.”

Nagseselos ba si Jeffrey kapag nakakapanood ng mga ganung eksena?

“May selos factor, pero very light lang, naintindihan naman niya.”

FHM COVER GIRL. Naging cover girl na rin ng FHM si Erika noong 2014 at naranasan na rin niyang rumampa sa FHM victory party. 

Pero okey na raw sa kanya yun at hindi na niya gustong sundan pa.

Katuwiran ni Erika, “Ayoko lang din po kasi ng attachment.

“Parang sapat na yung nag-cover ako dahil nakikita ako na ako yung malaking boobs, ako yung malaking balakang sa courtside.

“So, sapat na yun, parang hindi naman kailangang ganun ang image.”

Ang ginagawa raw ni Erika ngayon ay nag-aaral siyang maging yoga instructor.

Aniya, “Makukuha ko na yung certification ko sa September.

“Mas gusto ko na ganun na lang, as yoga instructor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN