Claudine Barretto: "I won't apologize for protecting my parents."

Wala raw dapat ipagpaumanhin si Claudine Barretto sa pagtatanggol nito sa kanyang mga magulang laban sa isang basher na may handle name na 'gretch1717.' Wala raw siyang nakikitang mali sa pakikipag-away niya para maprotektahan ang mga nagkakaedad nang magulang.


Muli na namang sumagot si Claudine Barretto sa isa niyang follower sa Instagram na nagkomento tungkol sa kanya.

Kaugnay pa rin ito ng pagtatanggol ng aktres sa kanyang ina na si Inday Barretto laban sa bashers na nagkomento naman sa kanyang IG post ng larawan ng apong si Leon at may caption na “My true favorite apo.”

Si Leon ay anak ng kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto.

Dalawang netizens na may IG handle names na @gretch1717 at @litllelulu1345678910111213 ang bumatikos kay Mommy Inday dahil wala raw itong delicadeza.

Hindi man lang daw kasi nito inisip kung ano ang mararamdaman ng kanyang ibang mga apo.

Agad namang ipinagtanggol ni Claudine ang kanyang mga magulang.

Read: Claudine Barretto, Mommy Inday confront 'Gretchen' on Instagram

Kahapon, June 13, ay sinagot ni Claudine ang IG user na si @amistd1973 na nagkomentong siya raw ay isang tao "filled with loathing and consumed with paranoia."

Ayon kay Claudine, lahat ng tao ay may mga nagawang pagkakamali sa buhay. Pero pinaninindigan daw niya ang pagtatanggol sa mga magulang mula sa bashers.

Sabi pa ng aktres, dapat umalis na lamang ang naturang commenter sa kanyang Instagram account.

Nagpasalamat naman si Claudine sa isang follower na ipinagtanggol siya laban sa iba pa niyang bashers.

LEON SPEAKS UP. Samantala, nagsalita na si Leon tungkol sa post ng kanyang lola na si Inday Barretto na may caption na “My true favorite apo.”

My true favorite apo

A photo posted by @estrellabarretto on

Ayon kay Leon, na may handle name sa Instagram na @actionworldtoys, pinaglaruan lang niya ang cell phone ng kanyang lola at huwag na raw sana itong gawing big deal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN