Ai-Ai delas Alas outgrows her desire for Vic Sotto: "Palagi kong sinasabi, 'Sayang, hindi kita natikman!'"

Ai-Ai delas Alas on not letting her personal problems affect her work: "Iniiwan ko yung problema ko sa bahay at babalikan ko na lang after the work. At saka siguro, ewan ko, kapag malungkot ako or marami akong problema, modesty aside, parang mas madali ang trabaho sa akin, mas madali akong mag-comedy. Siguro dun ko nailalabas yung lahat ng pain ko sa buhay, ginagawa kong kaligayahan."


Para kay Ai-Ai delas Alas, continuity ng love team nila ni Vic Sotto ang pagsasama nilang muli sa isang sitcom sa GMA Network, ang Hay Bahay!, na papalit sa timeslot ng Vampire ang Daddy Ko simula sa June 19.

Unang nagtambal sina Ai-Ai at Vic sa dating sitcom ng Kapuso network na 1 For 3, kasama si Rosanna Roces.

Nagtambal din sila sa pelikula sa pamamagitan ng Enteng Ng Ina Mo noong 2011 at My Bebe Love #KiligPaMore noong 2015.

Pahayag ng Queen of Comedy sa muli nilang pagtatambal ni Vic, “Siyempre ngayon, mas swak na swak na kami ni Bossing. 

“Modesty aside, dahil nga galing kami sa isang blockbuster movie na natuwa naman ang mga tao sa love team namin.

“So, parang yung continuation ng love team namin.”

May pagbabago ba kay Vic?

“Mas lalong pumogi at bumait… siyempre araw-araw may sex life siya, ‘no!” birong hirit ni Ai-Ai.

Hirit naman ni Vic, na kakakasal lang sa actress-TV host na si Pauleen Luna, “four times a week lang” daw yun.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa grand launch ng Hay Bahay! nitong Lunes, June 13, sa GMA Network Center.

HIDDEN DESIRE. Inamin ni Ai-Ai na noong unang pagsasama nila ni Vic sa trabaho ay nagkaroon siya ng “pagnanasa” rito.

Ngunit dagdag niya, “Wala na, kasi ayokong bastusin ang pagmamahalan namin bilang magkaibigan.

“At saka kasi, hindi lang kami kapwa-artista, boss ko si Bossing.

“Literal na boss ko siyang talaga. Siya ang nagpapasuweldo sa akin.

“Siyempre, di ba, ikaw ba naman, angkinin mo ba yung boss mo, e meron naman siyang asawa. ‘Maya, malasin pa ko nun!”

Si Vic ay co-producer ng Hay Bahay!.

May asawa na ba si Vic noong nagnasa siya rito?

“A, hindi, may mga girlfriends siya,” sabi ni Ai-Ai.

Hirit naman ni Vic, isa-isa lang.

Dagdag ni Ai-Ai, “A, oo, in fairness, isa-isa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagkatapos ng isa, meron ulit. Pero hindi naman siya nagdodoble.

“Hindi ako makasingit.

“Pero nung mag-aasawa na siya, happy naman ako para sa kanya.

“Palagi kong sinasabi na, ‘Sayang, hindi kita natikman!’”

Natatawang hirit pa ni Ai-Ai, “Parang pokpok na pokpok naman ako dun!

“Huwag na, hanggang diyan na lang.

“At saka, nirerespeto ko si Bossing.

“Puro ganun lang yun, puro dakdak lang.

“Pero boss ko siya, nirerespeto ko siya. 

“Ayokong mabahiran ng dumi yung pagkakaibigan namin, kasi clean yung friendship namin.”

FROM MOVIES TO TV. Sa pelikula, subok na ang tambalan nina Vic at Ai-Ai bilang Box-Office King and Queen. 

May pressure pa rin ba pagdating naman sa telebisyon?

Ayon kay Ai-Ai, “Kami naman, ang purpose namin, I’m sure pati si Vic, ay ang makapagpasaya kami ng tao. 

“So, bonus na lang yung mataas kami sa ratings or blockbuster yung movie namin.

“Basta ang mahalaga, napasaya namin sila and okey na yun.

“At na-impart namin sa kanila yung mga talents na ibinigay sa amin ng Panginoon.”

Sa isang komedyanteng katulad niya, napakarami nang pinagdaanan ni Ai-Ai sa buhay.

Pero siya raw yung klase ng komedyanteng kayang iwanan muna ang problema sa oras ng trabaho.

“Iniiwan ko yung problema ko sa bahay at babalikan ko na lang after the work. 

“At saka siguro, ewan ko, kapag malungkot ako or marami akong problema, modesty aside, parang mas madali ang trabaho sa akin, mas madali akong mag-comedy.

“Siguro dun ko nailalabas yung lahat ng pain ko sa buhay, ginagawa kong kaligayahan. 

“And siguro, yun ang parang, psychologically, kung gaano ako kalungkot, gusto kong makita ng tao na masaya.”

NEW HOUSE. Sa ngayon, may bago na namang bahay na ipinapatayo si Ai-Ai.

Saad niya, “Kasi, di ba, nabenta yung sa Ayala ko?

“Una kong binili yung bahay ng mga anak ko sa America.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi muna kami bumili ng bahay ko dito, inuna ko sila dun.

“Kasi, mas importante yung mga bata.

“Ako naman, okey lang ako. Kahit na sa Payatas, okey ako. 

“E, yung mga bata, siyempre mahirap yung nakikitira ka. Kasi, may asawa na si Miguel.”

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang kanyang dating asawa na si Miguel Vera, ama ng kanyang mga anak na sina Nicolo at Sofia.

Naka-based na ngayon sa Amerika si Miguel at may sarili nang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN