Janice de Belen swears she's been loveless for eight years now

Janice de Belen on being loveless for eight years: "Ang dami kong na-explore sa buhay ko na, alam ko, if I have a relationship, baka hindi ko nagawa. Ngayon, nae-enjoy kong mag-travel. I look forward to going out of the country and exploring kasi…"


Nanindigan si Janice de Belen na walong taon na siyang loveless ngayon.

“Wala talaga, promise,” giit ng aktres.

Ang huling nakarelasyon ni Janice ay isang non-showbiz guy.

Mas okey siyang walang lovelife?

“Iniisip ko nga, e, dapat ba hindi?

“Kasi minsan, kapag may kausap ka, 'Ha, wala kang lovelife?'

“Parang, ‘Hindi ba okey na wala akong lovelife?’” natawang sabi ni Janice.

Patuloy ng 47-year-old actress, “Siyempre minsan, may days na parang ang lungkot, walang lovelife.

“Pero may days na, hindi, okey lang ako. Ganun talaga.

“I think, generally, it’s okay for me.

“Yun ang sinasabi ko na I have always been open about my relationship at alam na natin na medyo hilo ako sa pag-ibig, di ba?

“Alam naman na natin na nagkaroon ako ng mga moments…

“Pero siyempre ngayon, hindi ko masasabi, kasi wala akong basehan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa taping ng ABS-CBN daytime series na Be My Lady sa Arayat, Pampanga, noong June 10.

LOVE YOURSELF FIRST. Aminado si Janice na kapag in love siya ay nakakalimutan niyang mahalin muna ang kanyang sarili.

“I think, at some point, nakalimutan ko na ‘love yourself before you love another person.’

“Sakit naman yata ‘yan ng mga umiibig.

“So, ngayon, I’ve been single for the past eight years.

“Ang dami kong na-explore sa buhay ko na, alam ko, if I have a relationship, baka hindi ko nagawa.

“Ngayon, nae-enjoy kong mag-travel.

“I look forward to going out of the country and exploring kasi…”

Paglilinaw pa ni Janice, “Hindi kasalanan ng ibang tao ‘to, ha, kasalanan ko ‘to.

“When I’m in a relationship, siyempre gusto mo palagi mong kasama.

“So ngayon, naiisip ko na gusto kong mag-travel and I enjoy my freedom.

“Yun nga ang sinasabi ko, ang pangit pakinggan, pero medyo selfish na rin ako sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman masagot ni Janice ang tanong kung handa ba siya sakaling may dumating na bagong pag-ibig sa kanya.

“Hindi ko masagot ‘yan kasi puwedeng sabihin kong hindi ako ready, pero baka naman ready ako. Hindi ko rin alam.

“Sa ngayon, after eight years, sobrang dami na rin na nagbago when it comes to the dating scene, parang hindi ko na rin alam.

“Parang kapag tinanong nga ako, ‘O, mag-date ka naman.’

“Paano na ba mag-date ngayon? Saan ba sila natatagpuan kasi hindi ko na rin alam.”

Wala man siyang love life ngayon, hindi naman nakikita ni Janice ang sarili na tumandang walang partner forever.

Sabi niya, “Hindi kita masasagot kasi wala talaga akong alam.

“Puwedeng sabihin ko sa ‘yo ngayon na okey na ako, pero bukas umiiyak na ako, na kawawa naman ako.

“Hindi ko talaga alam kasi we don’t know what’s going to happen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN