Oyo Sotto, Kristine Hermosa might try for Baby No. 5 after she gives birth

Oyo Sotto reasons out daughter Ondrea for wanting to have another kid, specifically a baby girl. He says, "Gusto namin siyang mapasaya, kaya yun."


Hindi matiyak ni Oyo Sotto kung huling pagbubuntis na ng kanyang asawang si Kristine Hermosa ngayon.

Ipinaliwanag ni Oyo na may posibilidad na magkaroon pa ng kasunod ang ipinagdadalang-tao ni Kristine, na magiging ika-apat na nilang anak.

“Dapat kasi okay na sana!” natatawang sabi ni Oyo sa entertainment reporters na dumalo sa press conference ng bagong sitcom sa GMA Network, ang Hay Bahay, kahapon, June 13.

“Ang nangyari kasi, pumunta kami ng hospital the other day, nalaman namin kung ano ang gender, nalaman namin na boy na naman.

“E, nagpi-pray kami sana ng girl para at least dalawang boys at dalawang girls, okay na.

“Siguro, ayaw pa ni Lord na tumigil kami. Kailangan pang sumubok ng isang girl sana after nito.”

May tatlo nang anak sina Oyo at Kristine ngayon—sina Quiel, 7; Ondrea Bliss, 4; at Kaleb Hanns, 1.

Hirit pa ni Oyo, gusto raw kasi ng kanilang unica hija na magkaroon ng nakababatang kapatid na babae.

“Si Ondrea kasi, siya lang ang girl ngayon.

“So, nagpe-pray siya talaga, 'I want a baby sister.'

“Siya yung laging gumaganun sa tiyan ni Tin, 'Hi, my baby sister. Hi, baby, I love you.'

“Lagi niyang ginaganun,” paglalarawan ni Oyo sa kasabikan ni Ondrea.

Ikinuwento rin ni Oyo ang reaksiyon ng kanilang two-year-old daughter nang sabihin nila ang kasarian ng kanyang magiging kapatid.

“Noong nalaman niya, nalungkot siya.

“Sabi namin, 'We came from the hospital and we found out it was a boy.'

“Tapos, biglang sabi niya, 'What?' Nalungkot siya.

“Tapos sabi namin, 'It is a boy, is it okay?'

“Sabi niya, 'Yes,' at ngumiti na lang.

“Alam namin na napilitan siya. Parang gusto niya may baby sister siya para may kasama siya sa kuwarto.

“E, gusto namin siyang mapasaya, kaya yun.”

VIC TEASES OYO. Biniro naman siya ng kanyang amang si Vic Sotto, na bahagi rin ng weekly sitcom na Hay Bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ikaw lang ang nagpapasaya,” sabi ng Eat Bulaga! host.

Hirit pa ni Vic, “Sinusunod naman nila yung sinuggest ko noong kasal nila, e.

“Gawa kayo nang gawa ng bata, maganda ang hulmahan, e.

“Ang gaganda ng mga anak nila, e, kaya banat nang banat hanggang kaya.

“Masunurin naman, apat na, ayaw pang tumigil!”

Sa ngayon, tuloy ang pagiging bahagi ni Kristine sa bagong sitcom kahit apat na buwan na siyang buntis.

Sa hiwalay na panayam sa aktres, sinabi niyang kaya pa naman niyang magtrabaho.

“Kaya naman. Siyempre, may mga pagbabago lang.

“Nangangawit ka, inaatake ng migraine, minsan hinihingal ka lang kapag dire-diretso kang nagsasalita, shortness of breath.

“Pero so far, wala namang hirap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN