Janice de Belen still refuses to work with ex-husband John Estrada

Janice de Belen: "Hindi porke't okey kami ngayon… it doesn't guarantee na magiging okey yung working relationship namin… so huwag na lang."

 


Nakatrabaho na ni Janice de Belen ang dalawang naging ex niya na sina Gabby Concepcion at Aga Muhlach.

Pero tila hindi pa rin nagbabago ang desisyon ng aktres tungkol sa pakikipagtarabho sa kanyang ex-husband na si John Estrada,

“Nakatrabaho ko naman ang asawa niya!” natawang sabi ni Janice.

Ang tinutukoy niya ay si Priscilla Meirelles, na napanood sa pilot episodes ng teleserye nila nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na Be My Lady.

Bakit tila hindi pa siya handang makatrabaho si John?

Paliwanag ni Janice, “Well, John and I, we’re okay already. Hindi na kami magkagalit.

“May mga bagay na hindi puwede.

“Kaya nga kami hiwalay in the first place kasi meron kayong hindi napagkakasunduan.

“Hindi porke’t okey kami ngayon… it doesn’t guarantee na magiging okey yung working relationship namin.

“Because kami mismo, may disagreement na kami as people, so huwag na lang.”

Sabi pa niya, “Si Priscilla pa lang ang katrabaho ko, parang ang laki na niyang isyu.

“Can you imagine kung magkatrabaho kaming dalawa, ang weird ng pinag-uusapan kayo ng lahat ng tao.

“And it should also be weird for his wife. I do not like to put her in a position like that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN