Yasmien Kurdi does a balancing act between career and family life

Yasmien Kurdi has what it takes to make it on the cover of a man's magazine, but she won't do it. She explains, "Parang hindi na tugma dahil pamilyado na ako." However, Yasmien says, "Kung wala akong husband, parang puwede."

 


Bago mabuntis at hanggang sa makapanganak, matagal ding nag-lie low ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa pagiging artista.

Bagamat lumalabas-labas na siya noon sa ilang programa ng GMA Network, sa pagkakataong ito ay full blast na ang pagbabalik niya sa pag-arte.

Sa katunayan, si Yasmien ang isa sa mga bida ng bagong afternoon drama series na Sa Piling Ni Nanay.

Pahayag ng StarStruck alumna tungkol sa kanyang comeback, “Yes, po, nakabalik naman po ako.

“Di ba po noon, parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?

“But, I think, I made the right decision na sa GMA rin talaga.

“Parang mas feel at home ka, mas maaalagaan ka.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa presscon ng Sa Piling Ni Nanay nitong Martes, June 14, sa GMA Network Center.

BALANCING ACT. Makikita ring nababalanse ni Yasmien ang showbiz career niya at ang pagiging asawa at ina.

Hands-on pa rin siya sa kanyang mister na si Rey Soldevilla at anak nilang si Ayesha Zara. Siya pa rin daw ang naghahanda ng pagkain ng pamilya niya.

Ayon kay Yasmien, “Kailangan po, kailangan po talaga.

“Kapag kunwari M-W-F ang taping, Tuesday, Thursday and Saturdays, ayoko nang mag-work.

“Like kanina, pack-up ako ng seven in the morning, uuwi ako.

“Minsan two hours lang ang tulog ko, magluluto ka pa.

“Bigay mo na rin yung for your body na mag-recharge din.”

Going strong daw ang marriage nina Yasmien at Rey kahit busy silang mag-asawa.

Isa pa lang ang anak nila, ang bibong-bibong si Ayesha Zara, na three years old na ngayon. Pero ayaw muna raw nila itong sundan.

Sabi ni Yasmien, “Mga seven years old pa po siguro bago sundan.

“Mahirap po kasi, walang mag-aalaga.

“May yaya po, pero ayaw naming ipagkatiwala.

“Naaawa po kasi kami na kapag iniiwanan namin, tapos may isa na namang baby, iiwanan namin.

“Ang gusto po namin, kapag si Ayesha, e, medyo ate na, kapag iiwanan mo yung isang baby, meron na siyang ate.”

Sa presscon ay isinama ni Yasmien si Ayesha at natuwa ang mga reporter dahil sa sobrang kikay nito. Sa kanya nagmana?

“Opo, siguro nakikita yung mga kakikayan ko, pagme-make up ko!” natawang sagot ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOT MOMMA. Kahit mommy na ngayon si Yasmien ay napapanatili pa rin nito ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Seksing-seksi nga siya sa kanyang long gown kagabi sa presscon.

Masasabing cover material si Yasmien, halimbawa sa FHM magazine, bilang isang hot momma.

Pero ayon sa aktres, “I think, FHM po, hindi

“Parang hindi na po siya magiging helpful sa akin, sa career ko, sa tingin ko.

“Yung thought lang po na men’s magazine, hindi… Maxim, Playboy, FHM.

“Parang hindi na tugma dahil pamilyado na ako.”

“May asawa na ako... respect to your husband.

“Maging collector's item ka ng mga guys, parang ang hirap din iano."

Pero natatawang sabi niya, “Kung wala akong husband, parang puwede!”

Aminado si Yasmien na may pagka-konserbatibo si Rey.

“Sa lifestyle, medyo conservative siya. Kung paano siya na-brought up, medyo conservative po.”

Madalas ay nailalabas lang ni Yasmien ang kaseksihan niya sa ilang post sa kanyang social media accounts.

“Okey lang... nandiyan naman ang Instagram!” natawang sabi ng Kapuso star.

Naka-two-piece nga siya sa posting niya kamakailan ng bakasyon niya sa Boracay kasama ang anak na si Ayesha Zara.

FATHER'S DAY. Masaya si Yasmien na sa Father’s Day ay kumpleto ang pamilya niya.

Si Rey ay isa nang ganap na piloto ng Cebu Pacific. Local at International flights daw ang biyahe nito.

“Hindi ko siya nakikita, last ko siyang nakita, parang June 7 pa.

“Naka-standardization kasi sila ngayon; sa June 18, babalik na sila at all NAIA flight na,” banggit ni Yasmien.

Pero ngayong Linggo, June 19, ay makakasama ni Yasmien at ng anak nilang si Ayesha Zara si Rey.

May plano na nga raw siya para sa Father’s Day.

“Maghahanda po ako sa house, mag-iihaw, magsu-swimming.

“Bisita po namin ang ate niya and her husband na isang seaman,” sabi ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN