Oyo Sotto happy about positive changes in his Daddy Vic after marrying Pauleen Luna

"I see that he's very happy, he's very content," says Oyo Sotto about his dad Vic Sotto's life after marrying Pauleen Luna.


Malaki raw ang pagbabago sa buhay ni Vic Sotto matapos silang magpakasal ni Pauleen Luna, ayon sa anak ng comedian-TV host na si Oyo Sotto.

Saad niya, “Yun na nga kasi, ngayon na lang nag-asawa si Daddy after the longest time talaga.

“Never naman nag-asawa ulit si Daddy.

“He's been single for almost buong buhay namin, e.

“So, ngayon lang namin nakitang mayroon siyang asawa.

“Siguro ang malaking pagbabago is I see that he's very happy, he's very content.”

Dagdag pa niya, “Tama, wala na siyang hihilingin pa para sa kanya.

“Kumbaga, nandiyan kami para sa kanya, yung mga apo niya, lalung-lalo na si Pauleen.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Oyo sa press conference ng bago nilang sitcom na Hay Bahay! noong Lunes, June 13.

PAULEEN'S EFFORTS. Napansin din daw ni Oyo na malaki ang effort na ginagawa ni Pauleen para alagaan si Vic at para mas mapalapit pa ang pagsasama nilang mag-aama.

“I see that she's taking care of dad and nandoon ang effort, nakakatuwa.

“Siyempre, kami minsan, nakakalimutan namin na kumustahin sila Daddy, sila Pauleen, dahil maraming ginagawa sa bahay, busy sa mga bata.

“So, si Pauleen talaga, there's really an effort of texting us na, 'Uy, dinner tayo.'

“So, parang may time na halos every week yata kami nagdi-dinner sa labas.

“Kapag walang dinner, parang hinahanap na namin.”

Dahil daw sa mga ganitong gawain ni Pauleen, mas napagbubuklod ang relasyon nilang magkakapatid sa kanilang ama.

Saad ni Oyo, “Nakakatuwa, kasi sa amin, hindi rin naman kami humihiling nang sobra-sobra kay Daddy.

“Kumbaga, we don't expect too much from him and also to Pauleen.

“But yung simple gestures na magkuwentuhan tayo, magtawanan, malaking bagay sa amin 'yon—yung bonding na magkakasama kami, magkakausap.

“Para sa akin kasi, the greatest memories are built on the table talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon mo talaga mabubuo ang memories, kapag magkakasama kayo, ang dami ninyong mapagkukuwentuhan.”

Sabi pa ni Oyo tungkol sa pagbabagong nakita niya sa kanyang ama, “Nakakatuwa. Talagang ang laki ng pagbababgo, pero lahat positive.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN