Jose Manalo contradicts opinion that AlDub popularity has waned

Jose Manalo on Maine Mendoza: "Mabait naman, wala pa akong nakikita na medyo nagbago o umangal na pagod na ako, wala. And in-advise-an ko rin kasi siya, sabi ko, 'Huwag kayong mapagod sa trabaho kasi ginusto niya 'to.'"


Kinontra ni Jose Manalo ang obserbasyon ng ilan na nabawasan na ang popularidad ng phenomenal AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Magkakasama ang tatlo sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Sabi ni Jose sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakikita namin ang lakas pa rin, e.”

Ibinigay pa ngang halimbawa ni Jose nung panahong nawala sina Maine at Alden sa Eat Bulaga! dahil sa shooting ng pelikula nila sa Italy.

Kuwento ng comedian-TV host, “Nakita ko, kagaya nung umalis siya [Maine]…

“Nakita ko na wala masyadong tao dun sa 'Juan For All' na dumadayo.

“Pero nung dumating siya, dumating yung mga fans niya... siguro mga fans niya yun.

“Nakikita ko, malakas naman, malakas pa rin.

“Ganun din naman si Alden, nakikita ko kung paano hiyawan ng mga tao.

“Ang hindi ko lang alam, wala nga akong social media.

“Siyempre, iba-iba ang komento ng tao, e, hindi rin natin alam.”

May nakita ba si Jose na pagbabago sa ugali ni Maine kumpara nuong nagda-Dubsmah pa lang ito?

Sabi ni Jose, “Si Maine, well, ang nabago lang sa kanya, relax na siya.

“Noon kasi, hindi siya masyadong nakikipag-usap.

“Siyempre, hindi naman aatake agad ang bata na at home agad.

“Naging barkada siya at mas barkada nga niya yung mga staff namin, nakikita ko kung gaano kabait yung bata.

“Kapag may mga pasalubong siya, tinatawag niya agad ang mga tao para kumain.

“Mabait naman, wala pa akong nakikita na medyo nagbago o umangal na pagod na ako, wala.

“And in-advise-an ko rin kasi siya, sabi ko, 'Huwag kayong mapagod sa trabaho kasi ginusto niya ‘to.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN