Katrina Halili not in a hurry to fall in love

Hindi raw nagmamadali si Katrina Halili na makahanap ng bagong love life. Nakatuon daw kasi ang kanyang atensiyon sa trabaho at sa anak nila ng ex-boyfriend na si Kris Lawrence.


Masaya si Katrina Halili na balik na naman siya sa pagko-kontrbida sa isang teleserye.

Kontrabida man, masasabi pa ring lead role ang ginagampanan niya sa Sa Piling Ni Nanay ng GMA Network.

“Opo, opo. Happy po ako kasi after ng Destiny Rose, binigyan po ulit ako ng chance. Napagkatiwalaan nila ako,” pahayag ni Katrina.

Bukod sa paggawa ng teleserye, naka-focus daw siya sa kanyang pagiging ina sa anak na si Katrence.

Kaya naman daw wala muna siyang panahon para sa love life matapos silang naghiwalay ni Kris Lawrence.

Choice ba niya ito?

Sagot ni Katrina, “Hindi naman choice. Wala, e.”

Pero gusto na ba niyang magkaroon ng bagong love life?

“Hindi naman atat na atat. Pero ayaw ko rin kasi yung kagaya dati.

“Baka mapunta ako sa maling tao, so ayoko na rin magmadali.”

Hindi naman siya nagmamadaling makahanap muli ng karelasyon pero ipinagdadasal din daw niya ito.

Biro pa ng StarStruck alumna, “Sabi nila mag-pray ka lang, e. So, pray naman ako nang pray.

“Baka hindi pa time, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Katrina sa presscon ng Sa Piling Ni Nanay nitong Martes ng gabi, June 14, sa GMA Network Center.

Ang naturang serye ay magsisimulang emere sa Afternoon Prime ng Kapuso network sa June 27.

SCARLET. Naging tampulan naman ng tukso sa presscon proper si Katrina dahil sa Sa Piling Ni Nanay, Scarlet ang pangalan ng karakter na kanyang gagampanan.

Nagkataon kasing Scarlet Snow ang pangalan ng anak nina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya ang tatlo noon dahil sa naging ugnayan ni Katrina kay Hayden.

Pero paliwanag ni Katrina, matagal na nilang ginawa ang teleserye.

Sabi naman ng reporter na nagtanong, isang taon na si Scarlet Snow, baka raw sinadya ng writers na ganun ang ipangalan sa kanyang karakter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa na lamang si Katrina pati na ang mga miyembro ng media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN