Jonas Gaffud vows to prepare Maxine Medina well for Miss Universe 2016

Jonas Gaffud on his life goals: "Ang further dream ko, e, maging involved talaga sa advocacies, in the future, education, helping women. Nag-start na ako, meron na akong beauty caravan. Dati, dream ko, makakuha lang ng mga title ang mga alaga ko. Nagbabago talaga. Siguro kapag, na-achieve mo na… Minsan nga, may times na kapag nagbabasa ka ng comments about pageants, parang been there, done that na ako. Ngayon, gusto ko na ma-involve sa advocacies…"


Kagaya ng karamihan ng mga kandidata ng Pilipinas sa international beauty pageants, ang kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2016 na si Maxine Medina ay dumaan sa training sa ilalim ng tinaguriang beauty-queen maker na si Jonas Gaffud.

Dahil matagal-tagal pa naman bago ganapin ang Miss Universe 2016, tiniyak ni Jonas na paghahandaan nilang mabuti ang pagsabak ni Maxine sa pinakaprestihiyosong beauty pageant sa mundo.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “We will prepare her well.

“Alam ko naman na maraming naging isyu na hindi siya magaling sa question and answer, na hindi siya magaling magsalita.

“If they know Maxine, magaling magsalita ‘yon. Alta nga yun magsalita.

“Pero kapag kinakabahan siya, ayaw niya na magsalita.

“We will prepare her for that.

“Walking, kailangan na bigyan ko pa siya ng confidence sa walking.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas sa press presentation ng Miss Manila 2016 sa Manila Diamond Hotel nitong Miyerkules, June 15.

MISS USA. Dito na rin nagkuwento si Jonas tungkol sa karanasan niya sa unang pagkakataong napanood niya nang live ang Miss USA 2016, na ginanap noong June 5 sa Las Vegas, Nevada.

Katuparan daw ito ng kanyang matagal nang pangarap.

Si Miss District of Columbia Deshauna Barber ang nanalo ng Miss USA crown.

Hindi raw nagkamali si Jonas sa kutob nitong ang black American beauty ang makakalaban ni Maxine Medina sa Miss Universe 2016.

Kuwento niya, “Pagdating ko pa lang, iba kasi kapag in person…

“In fairness to my group, kami lahat, pati si Pia [Wurtzbach], nakikita namin si Miss Hawaii [Chelsea Hardin na may Filipina blood].

“Pero ako talaga, ang tinitingnan ko, si Miss Georgia.

“Pero si Miss District of Columbia, sa lahat ng messages ko sa friends ko and yung pageant experts, palagi siya na nasa Top 4 ko.

“Kasama ko ang mga friends ko from L.A., palagi kong sinasabi na may iba akong feeling sa babaeng ‘yan, yung District of Columbia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every time na nakikita ko siya, may something siya na hindi ko maintindihan.

“Ayun nga, biglang nanalo.”

PIA WURTZBACH’S UN STINT. Kasamang nanood ni Jonas ng Miss USA 2016 ang Miss Universe 2016 na si Pia Wurtzbach.

Bagamat naipasa na ni Pia ang kanyang korona bilang Miss Universe-Philippines kay Maxine, siya pa rin ang reigning Miss Universe dahil sa katapusan pa ng taon gaganapin ang coronation night ng Miss Universe 2016.

Ayon kay Jonas, marami pa raw pagkakaabalahan si Pia.

“Busy siya sa campaign niya for HIV and AIDS.

“Nag-a-attend muna siya ng mga seminar para sa talk niya sa UN sa September.

“Para sa kanya, ayaw niya na magsalita about it na wala siyang kaalam-alam. So she wanted more ideas and knowledge.

“Ang ginawa namin, nag-attend siya ng seminar, three-day workshop.

“Nagulat siya dahil there’s so much to know about it.

“Pero gusto niya na talagang maging ready at gusto niya na mag-concentrate sa LGBT community.”
Dagdag ni Jonas, “There are cases about kids na may HIV dahil infected ang parents.

“May gamot na raw yun, sabi niya, may healing process.

“Pero yung LGBT, dun siya talaga interesado to help out.”

ADVOCACIES. Sa kaso naman ni Jonas, ibinahagi niya sa PEP ang gusto niya pang gawin maliban sa pag-discover ng beauty queens.

Saad niya, “Napanood ko na lahat ng pageants— Miss Universe, Miss World, Miss International, and then Miss USA. Quota na yun.

“Pero siyempre, ang further dream ko, e, maging involved talaga sa advocacies, in the future, education, helping women.

“Nag-start na ako, meron na akong beauty caravan.

“Dati, dream ko, makakuha lang ng mga title ang mga alaga ko.

“Nagbabago talaga. Siguro kapag, na-achieve mo na…

“Minsan nga, may times na kapag nagbabasa ka ng comments about pageants, parang been there, done that na ako.

“Ngayon, gusto ko na ma-involve sa advocacies…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, hindi natuloy ang planong month-long US vacation ni Jonas dahil sa imbitasyon ni Jackie Ejercito, ang pageant director ng Miss Manila 2016, na maging trainer siya ng 33 official candidates ng nabanggit na beauty contest at hurado sa coronation night na magaganap sa June 24 sa Philippine International Convention Center.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN