Wally Bayola ignores online bashers: "Alam ko kasing pag pinatulan ko, wala namang kahihinatnan."

Wally Bayola not worried about overexposure: "Hindi naman sa overexposed kasi hindi naman talaga kami nakababad dun sa Hay Bahay! or sa Sunday PinaSaya. Tsaka iba-iba naman yung ginagawa namin, e. Hindi kung ano yung ginagawa namin sa Eat Bulaga!, iyon din ang ginagawa namin sa ibang shows."


Hindi raw pinapansin ni Wally Bayola ang bashers sa social media.

Ayon sa comedian-TV host, “Ang advise sa akin, huwag pansinin, e!

“Kaya kahit minsan, kahit nakakaano, hindi ko na lang pinapansin. Or bina-block ko.

“Tapos yung mga fans din naman at yung mga Dabarkads, sila rin yung mga nag-aano dun sa nagba-bash, nag-e-explain.”

May bashers man ay napakarami ring nagtatanggol kay Wally sa social media.

May pagkakataon bang muntik na siyang hindi nakapagpigil at muntik na siyang pumatol sa bashers?

“Hindi, e, hindi. Never, never akong sumagot.

“Kahit gustuthin ko man, magta-type ka na, pero ide-delete mo na lang. Para maano lang yung loob mo.

“Pero madali po kasi akong magkontrol, e, sa mga ganun.

“Alam ko kasing pag pinatulan ko, wala namang kahihinatnan, e.

“So, parang, ‘God bless you na lang!’

“Kung iyan ang pananaw mo, iyan talaga ang gusto mo sa buhay, e wala akong magagawa!” natatawang sabi ni Wally.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wally sa presscon ng Hay, Bahay!, ang bagong sitcom ng GMA Network na mapapanood tuwing Linggo ng gabi, simula sa June 19, kapalit ng Vampire Ang Daddy Ko.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center nitong Lunes, June 13.

OVEREXPOSURE. Mula Lunes hanggang Linggo ay napapanood na si Wally at ang ka-tandem niyang si Jose Manalo sa telebisyon.

Mula Lunes hanggang Sabado ay nasa Eat Bulaga! sila.

Tuwing Linggo ay dalawang beses na silang mapapanood dahil nasa Sunday PinaSaya rin sila sa tanghali at sa gabi nga ay sa Hay, Bahay!

Hindi ba natatakot si Wally sa overexposure?

Tugon niya, “Hindi naman, hindi naman.

“Hindi naman sa overexposed kasi hindi naman talaga kami nakababad dun sa Hay Bahay! or sa Sunday PinaSaya.

“Tsaka iba-iba naman yung ginagawa namin, e.

“Hindi kung ano yung ginagawa namin sa Eat Bulaga!, iyon din ang ginagawa namin sa ibang shows.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming pinagdaanang pagsubok at kontrobersiya si Wally.

Ngayong maganda ang takbo ng kanyang showbiz career, ano ang pumapasok sa isip niya kapag nagbabalik-tanaw siya sa mga pinagdaanan niya?

Ayon kay Wally, “Kumbaga, dahil na rin siguro sa pagdadasal palagi.

“Tsaka alam mo yung lahat ng nangyari naman sa akin, may rason.

“At hindi naman iyon ibibigay sa iyo ng Diyos kung hindi mo makakayanan at para ayusin yun.

“Pero kapag talagang nagdesisyon ka na, ‘Tapusin ko na, hanggang dito na lang, hindi ko kaya itong i-solve’, ikaw po ang talo,” nakangiting pagtatapos ni Wally.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN