Wally Bayola reveals reason why Alden Richards and Maine Mendoza are not yet in a relationship

Wally Bayola on Alden Richards and Maine Mendoza: "Wala naman kasing magiging problema kung magkakatuluyan sila. Pareho naman silang single. Walang boyfriend si Meng, walang girlfriend si Alden."


Kagaya ng maraming AlDub fans, gusto rin ni Wally Bayola na magkatuluyan sa tunay na buhay ang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga! na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Pahayag niya, “Wala naman kasing magiging problema kung magkakatuluyan sila.

“Pareho naman silang single. Walang boyfriend si Meng, walang girlfriend si Alden, so…

“Kaya lang, ang problema, busy silang dalawa sa work!”

May mga pagkakataon nga raw na “kinukulit” niya ang dalawa na magkaroon na ng relasyon.

“Oo, ginaganyan ko sila! Nagtatanong ako.

“E, si Alden, naka-focus lang muna siya sa trabaho.

“Kasi parang… nakikita ko naman, naiintindihan ko naman siya.

“Sabi niya, parang ilang years na siyang nag-aartista, na ngayon lang talaga nag-boom ‘to.

“So, naniniwala siya na ayaw niya munang pakawalan yun.

“Kasi, naniniwala siya na parang, baka mamaya, once in a lifetime lang dumating sa buhay ng isang artista yung pumutok, tapos wala nang kumbaga continuity yung career.

“Naiintindihan ko siya sa part na ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN