Oyo Sotto staying away from showbiz temptations and politics

Oyo Sotto: "Nakita ko ang nangyari sa tatay ko, nakita ko ang nangyari sa ibang tao. Ayokong mangyari sa akin. Kung nandun naman si God, palaging may daan para maiwasan yung temtasyon."


Sa showbiz ay kapuri-puri ang mga relasyong nagtatagal, isa na nga rito ang kina Oyo Sotto at Kristin Hermosa.

Isa siyang Sotto at kilalang habulin ng mga babae ang mga Sotto.

Tumawa muna si Oyo bago sinabing, "Basta dasal lang! Talagang si God lang.

"Hindi naman maiiwasan yung temtasyon, ang importante nandun yung Diyos sa buhay nyo.

"Kung nandun naman si God, palaging may daan para maiwasan yung temtasyon," patuloy ni Oyo na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong Kapuso sitcom na Hay Bahay! na ginanap sa GMA-7 building nung Lunes, June 13.

"Ang hirap kasi kung hahayaan natin yung temtasyon.

"Isang pagkakamali mo lang sira yung pamilya mo, ayoko namang masayang.

"Nakita ko ang nangyari sa tatay ko, nakita ko ang nangyari sa ibang tao.

"Ayokong mangyari sa akin."

Beautiful couple sila ni Kristine, paano sila nakakaiwas sa gulo ng mundong ginagalawan nila?

"Well, walang taguan ng telepono, kumbaga alam niya yung passcode ko. Alam niya yung mga passwords ko, sa Facebook ko, sa Twitter ko.

"Basta wala lang taguan… very open kami ni Tin [palayaw ni Kristine], hindi kami yung nagtataguan.

"Alam niya kung pagka nagba-browse ako, mga ganun.

"Alam niya kung sino mga kasama ko sa trabaho," lahad ni Oyo.

Papayagan ba niya na mag-artista ang mga anak nila ni Kristine?

"Pinag-usapan namin yun ni Tin, sabi namin, gusto muna namin talaga silang makapag-aral.

"As much as possible, kung gusto talaga nila, sa commercials muna.

"As long as matapos yung pag-aaral nila, and malalim yung relasyon nila sa Panginoon.

"Sige, pagka gusto nilang mag-artista, okey lang."

Kasama sina Oyo at Kristine sa cast ng Hay Bahay! na pinangungunahan ng ama ni Oyo na si Vic Sotto at ng komedyanang si Ai-Ai delas Alas. Sa direksyon ng dating aktres at batikang manunulat na si Bibeth Orteza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTING FAMILY. "Pauleen" pa rin daw ang tawag ni Oyo sa kanyang stepmother na si Pauleen Luna. Kakakasal lang nina Pauleen at Vic nung Enero ng taong ito.

Paliwanag ni Oyo, "Feeling ko siya din, hindi naman siya magpapatawag ng mommy.

"Baka mailang din siya, so Pauleen lang, okey naman siya dun."

Walang kontrata sa kahit na anong TV station si Oyo na dati ay nasa TV5.

Per project ang kontrata niya sa GMA-7.

"Yung sa TV5, kila Tony Tuviera yun, yung sa Valiente.

"'Tapos yung sa Midnight DJ naman, Bigtop [Entertainment, Inc.] yun, so per show lang."

Hindi nagpapa-exclusive si Oyo sa kahit anong TV network?

"Hindi ko rin alam," at tumawa si Oyo.

"Hindi lang dumating sa akin na gusto kong maging exclusive… at least anywhere puwede."

NO TO POLITICS. Noon pa raw ay kinukumbinsi na si Oyo ng kanyang mga kaanak na pasukin ang pulitika.

Hindi lang kasi mga artista ang pamilya niya, pamilya rin sila ng mga pulitiko.

Tiyuhin niya si Senator Tito Sotto at may mga pinsan at tiyuhin din siya na konsehal.

Ani Oyo,"Yung pinsan ko sinasabi niya na tumakbo raw ako sa Muntinlupa."

Maski raw ang ama niyang si Vic ay sang-ayon dito, "'Try mong mag-councilor, subukan mo,'" sabi raw nito.

Pero ayaw ni Oyo, "Wala pa kasi sa puso ko.

"Ayoko naman yung parang magpupulitika ako para lang, 'di ba?

"Para lang nandun ako sa… na magkaroon ng position.

"Gusto ko na nasa puso ko na talagang tumulong talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN