Ai-Ai delas Alas reveals her new lifestyle

Ai-Ai delas Alas is one of those who seem to have benefited from browsing the Web for medical advice, "Nag-Internet ako, ano ba talaga ang gamot sa ganun? Iyon nga, yung food. Wala akong meat, wala akong fats, fish lang, fruits and vegetables."


May sikreto raw kung bakit mas healthy at tila bumata ngayon si Ai-Ai delas Alas.

Hindi na raw kumakain ng karne ang Comedy Queen.

Bahagi ni Ai-Ai, “Four months na, and no dairies.

“Kasi since fifteen ako, parati akong may skin asthma, parati akong may asthma.

“Nagka-colitis din ako, enlargement of the colon yun.

“Nag-Internet ako, ano ba talaga ang gamot sa ganun?

“Kasi parating nagra-rashes ako… iyon nga, yung food.

“Wala akong meat, wala akong fats, fish lang, fruits and vegetables.”

Nakausap PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai nitong Lunes, June 13, sa presscon ng Hay Bahay!, ang bagong sitcom ng GMA na bida rin si Vic Sotto.

HEALTH REGIMEN. Kumakain naman daw siya ng manok, “Chicken breast lang, no chicken skin.

“No dairies, no sugar, yung sugar ko yung mga carrots, apples, yung ganun na.

“Merong itlog pero once a week, puwede, pero organic din.”

Soya milk raw ang ipinalit niya sa ordinaryong cow’s milk.

Mahirap daw sa first month, “pero nung nasanay na wala na, normal na lang.”

Sa loob nga raw ng apat na buwan ay maganda ang naging epekto ng mga ito sa kalusugan ni Ai-Ai.

“Magaan ’tapos hindi ako nagkakasakit, wala na akong itching-itching.

“Wala akong asthma…migraine, lahat ng nararamdaman ko dati, waley!”

Matagal daw niyang ininda ang migraine, pati raw mga rashes sa balat ay matagal niyang dinanas.

“Yung colon ko matagal na… kasi sa colon cancer namatay ang tatay ko, auntie ko rin, meron.”

Mas mabuti nga raw ang prevention kaysa cure ng colon cancer kaya, “Oo, lifestyle na siya.”

Ang boyfriend ba niyang si Gerald Sibayan ay naimpluwensiyahan na rin ni Ai-Ai sa bago niyang lifestyle?

“Hindi, ayaw niya,” at humalakhak ang komedyana.

“Si Sancho, medyo… one fourth,” pagtukoy naman ni Ai-Ai sa anak niyang si Sancho delas Alas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, kasama rin sa Hay Bahay! sina Kristine Hermosa, Oyo Sotto, Ruby Rodriguez, Jose Manalo, at Wally Bayola. Sa direksyon ni Bibeth Ortesa, eere na ito sa gabi ng Linggo, June 19, kapalit ng Vampire Ang Daddy Ko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN