Is Kiray Celis the next Comedy Queen?

Kiray Celis names the country's top comediennes—Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, Pokwang, Melai Cantiveros: "Wow, grabe! Ang layo ko pa sa kanila pero pag mapasama ako, sobrang lucky ko naman."


Tila bini-build na rin si Kiray Celis na susunod sa yapak ni Ai-Ai delas Alas, at nagkataon naman na malaki ang paghanga niya sa reigning Comedy Queen.

“Feeling ko ang sarap, ang sarap maging Ai-Ai, ng saya maging Ai-Ai,” pag-amin ni Kiray.

Kaya lang, “Hindi ko puwedeng puntahan yung mga pinuntahan ni Ai-Ai.

“Lagi nilang tinatanong, ‘Sinusundan mo ba yung yapak ni Ai-Ai?’

“Hindi ko siya puwedeng sundan kasi hindi ko mapupuntahan yung mga napuntahan niya.”

Dahil?

“Gusto kong sundan yung sarili ko, kung saan ko gustong pumunta.

“Gusto kong makilala bilang Kiray at hindi bilang ginagaya niya si Ai-Ai.

“Not queen, hindi queen, hindi ko kayang maging queen.

“Puwede princess muna,” at tumawa si Kiray, “para ang tawag nila, Rising Comedy Princess.

“Wow, rising!”


IN LEAGUE. Hindi raw threat si Kiray sa trono nina Ai-Ai, Melai Cantiveros, at Pokwang.

“Kakampi nila ako kasi kami na lang ngayon ang nagko-comedy sa mundong ito, sa Pilipinas.

“Maglalaban-laban pa ba kami?

“Pag nagsama-sama kami, riot yun, hindi nyo kami makikitang maglaban-laban.”

Pangarap ni Kiray na makasama sa isang pelikula ang mga mahuhusay na komedyana sa showbiz.

“It’s a dream come true kapag nangyari yun, sobrang saya nun, solid yun!

“Ai-Ai, Pokwang, Melai, Eugene Domingo, ’tapos ako, wow!

“Wow, grabe! Ang layo ko pa sa kanila pero pag mapasama ako, sobrang lucky ko naman.”


PRESSURE. Sa pangalawang beses ay bida na naman si Kiray.

Ito ay sa I Love You To Death na tinutukan ngayon ng Regal Entertainment Inc. matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Pero bulalas ni Kiray, “Pressured ako sa movie, hindi kay Mother!”

Una siyang nagbida sa Love Is Blind, “Kasi dun madami kami, e, and hit yun!

“Ang hirap pala kapag ang pinanggalingan mo, hit.

“Sana pala nag-flop na yung isa para pag flop ulit, okey lang,” at muling tumawa si Kiray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gawa pa rin ng gawa kahit flop yung movie… iba pala yung flop nang flop nang flop nang flop!

“Kaysa sa hit ‘tapos hit ulit, oh my God!”

Leading man ni Kiray si Enchong Dee sa I Love You To Death. Kasama rin dito sina Janice de Belen, Paolo Gumabao, Betong Sumaya, Devon Seron, Michelle Vito, Trina Legaspi, Shine Kuk, at Cristian Bables.

Sa direksyon ni Miko Livelo, ipapalabas na ito sa July 6 sa mga sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN