Is Vic Sotto wishing for another kid?

"Kapag ibibigay ng Panginoon, ibibigay," says Vic Sotto when asked if he wants to have another baby.


Kuntento na raw si Vic Sotto sa kanyang buhay ngayon.

Bukod sa pagiging bagong kasal, masaya rin si Vic dahil ang kanyang mga anak ang masaya rin sa kani-kanilang mga personal na relasyon at pamilya.

Kaya naman ngayon daw, “ Mas naa-appreciate ko ang mga anak ko ngayon, mas nararamdaman ko ang pagmamahal nila.

“Sana ay nararamdaman din nila ang pagmamahal ko sa kanila.”

Dahil dito, tila wala nang hinihiling pa sa si Vic para sa sarili.

Sabi niya, “Speaking of hiling, more often than not ang hiling ko ay hindi para sa akin kundi para sa ibang tao.

“Una na diyan ang aking mga anak at kanilang mga partner, yung kanilang tagumpay sa kanilang mga relationships at sa buhay.

“Yung sa akin, never naman talaga ako humiling na, 'Gusto ko ng ganito.'

“Ako, kung ano lang yung dumating, tatanggapin ko nang maluwag sa loob ko.”

Nang tanungin kung kasama ba rito ang pagkakaroon ng baby sa kanyang asawang si Pauleen Luna, sagot ni Vic, “Kapag ibibigay ng Panginoon, ibibigay.”

Sa huli, biniro pa niya ang asawa ng kanyang anak na si Oyo Sotto, si Kristine Hermosa, “Kung saka-sakali, kokontratahin ko na si Tin, yung susunod, baka hingin ko na lang.”

Read: Oyo Sotto, Kristine Hermosa might try for Baby No. 5 after she gives birth


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN