Mark Herras to forgo Father's Day celebration

Mark Herras assures he is not remiss in the performance of his duties as a father, "I make it a point na nagagawa ko yung mga dapat kong gawin bilang tatay. Kapos ako sa oras pero sa mga importanteng bagay rin naman… nagagawa ko yun."


Isa sa mga ninang ng anak ni Mark Herras na si Ada ang girlfriend niya ngayon na si Winwyn Marquez.

Naging malapit kasi silang magkaibigan nang nagkasama sila sa unang StarStruck kung saan si Mark ang nahirang na Male Survivor.

“Yes, ninang siya pero wala siyang problema run,” lahad pa ng aktor.

Alam na ba ni Ada na girlfriend ngayon ng father niya ang kanyang ninang?

Ayon kay Mark, “Kapag nagkaisip na si Ada, siyempre, hindi ko naman itatago sa kanya.”

Nakikita naman daw niyang mahal din ni Win ang anak dahil una sa lahat ay inaanak nga niya ito.

In-assure din ni Mark na kahit may bago na siyang karelasyon ay hindi siya nagkukulang sa pagdalaw sa anak.

“Yung time na palagi akong nakakadalaw kay Ada, yun ang time na natapos lahat ng work ko, wala akong work.

“Ngayon, puro trabaho 'ko… kahit kay Win nga, hindi ako masyado…

“Ito yung mga oras na kailangan naming mag-adjust sa isa’t isa, hindi naman ito yung tulad dati na wala kaming trabaho.

“Ngayon, may guesting siya, bilang maaga-aga pa naman, pupuntahan ko siya sa location.

“Hindi ko naman puwedeng puntahan si Ada ng ganitong oras kasi gabi na.

“I’m just waiting din na makasama ko si Ada na kaming dalawa lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark noong June 14 sa presscon ng bago niyang afternoon prime sa GMA-7, ang Sa Piling ni Nanay.

DUTIFUL FATHER. Father’s Day sa Linggo, may plano na ba siya kung paano ito ipagdiriwang?

“Hindi ko pa alam,” saad ni Mark.

Wala ba siyang planong dalawin ang anak sa Father’s Day?

“Puwede naman, pero kung anuman ang maging plano, hindi ko pa alam although sa Sunday, may taping kami.”

Kahit naman daw noong nakaraang Father’s Day, wala rin siyang plano dahil maliit pa naman ang anak.

Magta-tatlong taon pa lang daw ito ngayong taon.

“Hindi ko man nakakasama si Ada sa oras, I make it a point na nagagawa ko yung mga dapat kong gawin bilang tatay.

“Like ngayon kapos ako sa oras pero sa mga importanteng bagay rin naman… nagagawa ko yun,” lahad pa ni Mark.

Kinamusta naman ang pakikitungo ni Mark sa ina ni Ada lalo’t may karelasyon na siya ngayon?

“Hindi ko siya ino-open-up… nagagawa ko ang karapatan ko kay Ada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong kailangang i-explain o i-share kung kanino man.”


DUTIFUL SON. Ngayong Father’s Day, aminado si Mark na hindi mawawala ang pagka-miss niya sa namayapang ama.

At ilang buwan pa lang din ang nakalilipas, ang ina naman niya ang pumanaw.

Ayon kay Mark, “Kapag ganitong Father’s Day, siyempre nami-miss kong bumati sa tatay ko ng Happy Father’s Day.

“At kahit sa nanay ko, nakaka-miss gawin yung mga yun.

“Pero I’m very sure na nasa taas naman sila dad and pinapanood ang bawat galaw ko.

“Binabantayan ako sa lahat ng ginagawa ko, nami-miss ko sila, lalo na si Mama kasi siya yung pinaka-fresh.

“Pero I’m just happy na hindi na sila nahihirapan pare-pareho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN