Mark Herras sets his sights on a future with Winwyn Marquez: "Win is my present and my future."

The intention of Mark Herras to bulld a future with Winwyn Marquez is also a challenge to him: "Ang kailangan ko riyan ay patunayan. Papatunayan ko … kasi gusto kong maging proud sa akin si Win."

 


Aminado ang Kapuso star na si Mark Herras na sa lahat ng babaeng niligawan niya, ang girlfriend ngayon na si Winwyn Marquez ang pinakamatagal niyang niligawan.

“At si Win lang din ang binasted ako pero niligawan ko pa rin,” ayon pa kay Mark sa presscon ng bago niyang afternoon prime sa GMA-7, ang Sa Piling ni Nanay, noong June 14.

At ngayon daw, natuto na siyang mag-ipon nang totohanan, “Nag-iipon naman na ako before, palagi lang hindi natutuloy.”

Sigurado na raw si Mark na kung may pakakasalan siya, si Winwyn na yun pero mga dalawang taon pa bago raw mangyari ito.

“In two years, 32 na 'ko, nasa tamang edad na 'ko.

“Pagdating ng panahon na yun at makita ni Win na kaya ko siyang buhayin, siguro naman makukuha ko yung yes [niya].”

Nag-propose na ba naman siya?

Aniya, “Hindi pa, naghahanap pa 'ko ng singsing.”

Baka mag-expect si Win?

Tugon ni Mark, “Wala namang dapat mag-expect, ang kailangan ko riyan ay patunayan.”

Ang challenge pa niya sa sarili, “Papatunayan ko at yun lang ang kailangang abangan, kung mapapatunayan ko.”

HIS PRESENT AND FUTURE. Bukas sa publiko ang love life ni Mark kaya alam ng marami kung gaano siya ka-passionate tuwing may girlfriend siya.

Paano niya masasabing iba ngayon ang relasyon niya kay Winwyn?

“Well, hindi siya yung past ko, si Win is my present and my future.

“I mean, ayoko nang pag-usapan yung nakaraan kung sino man o ano man.

“I’m very sure right now, marami akong naging plano this time na hindi lang siya na-stuck sa pagiging plano.

“Na nagagawa ko rin siya, hindi lang siya puro salita at napu-push ako ni Win to do it,” taimtim na pahayag ni Mark.

Isang bagay ang hindi maamin ni Mark.

“Secret” pa rin ang sagot niya sa tanong kung kailan sila naging official ni Winwyn.

Hint ni Mark, “Lagpas one year.”

Paliwanag niya, “Nakita nyo naman sa Instagram na we’re open sa public, lalo na ako, to express my feelings for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, gusto rin naman naming magtira ng konting privacy for ourselves, especially for Win.

“Hindi naman siya sanay na maging public yung relationship niya.

“Hindi ko kailangang mag-adjust, pero kailangan ko rin siyempreng protektahan si Win.”

Hindi kaya dahil may nag-overlap siyang karelasyon kaya hindi niya masabi ang saktong umpisa nila ni Winwyn?

“Wala! Grabe, walang nag-overlap,” mabilis niyang sagot.

Diin pa ni Mark, “Ayaw naming sabihin kasi gusto naming maging private.

“We would want lang na kahit konti, meron pa rin private about our relationship.”

Ang sigurado raw, mahigit isang taon niyang niligawan si Winwyn.


MORE MATURE. Nabanggit ng leading lady ni Mark sa Sa Piling ni Nanay na si Yasmien Kurdi na mas mature na ang aktor ngayon.

Ayon pa kay Yasmien, ayaw na rin daw nito na naglalalapit sa kanila.

Natawa si Mark, “ Nag-mature, hindi ko na kinakausap? Hindi, nawala lang ang pagiging playful ko.”

Natawang pahabol pa niya, “Playful, hindi playboy.

“Magkaiba yun, hindi ko hahayaan na sasabihing playboy.

“Kilala naman ng lahat kung anong klaseng tao si Win, wala kang masasabing masama run.

“Matalino, mabait, pursigido sa buhay, seryoso sa buhay talaga at alam niya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay.

“Knowing my past, ayoko na talaga siyang ibalik kasi, hindi rin ako proud kung ano yung past life ko.

“Nabansagan ako ng playboy pero hindi ako ganun.

“Kahit paano, masasabi ng ibang tao kay Win na ingat ka riyan sa boyfriend mo, na ganun si Mark.

“Ayokong ibalik kung anuman ang meron sa past ko, kasi gusto kong maging proud sa akin si Win.”

Pero naging bahagi rin ng buhay niya ang nakaraan niya.

“Ang importante sa akin yung present and future.

“Basta ayokong pag-usapan ang past ko,” pagdidiin pa niya.

May assurance rin ba kay Mark si Winwyn na siya rin ang gustong makasama nito sa future?

“Hindi ko naman kailangang tanungin yun… I’m very sure na kaya niyang sabihin yun in the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Once na ipinakita ko kay Win na maayos ako at yung pagiging maayos ko e tuluy-tuloy hanggang sa sinasabi kong future.”


SUPPORTIVE BF. Noong isang taon ay sumali sa Binibining Pilipinas si Winwyn pero hindi ito pinalad na manalo.

Kung sakali, bilang boyfriend nito ngayon, papayagan pa rin ba niyang sumali itong muli?

“Kung gusto niya naman, hindi ko naman hawak yun, basta ako, nagbibigay lang ako ng opinyon.”

Gusto pa rin ba niya itong mag-take two sa Binibining Pilipinas?

“Malamang hindi na this year, hopefully, next year.

“Pag-usapan namin kung ano ang gusto niya, ano pa ang gusto niyang gawin.

“Basta ako, susuportahan ko naman siya.”

Sa ngayon ay busy nga si Mark sa Kapuso network dahil may dalawa siyang regular na programa.

Pagkatapos daw ng Little Nanay at magpahinga ng tatlong buwan, nararamdaman niya ang tiwala pa rin sa kanya ng network.

“After twelve years sa showbiz career ko, nabibigyan pa rin ako ng mga projects, opportunities para magtrabaho.

“And I’m very happy na two different roles ang ginagawa ko.

“Isang sobrang seryoso at isang sobrang nakakatawa.

“Parang first time ako makikita ng mga tao na makikitang legit na komedyante.”

Ang tinutukoy ni Mark na comedy show niya ay ang Conan My Beautician kunsaan isa siyang beautician.

Yung seryoso naman ay isang programa ng GMA News and Current Affairs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN