Aljur Abrenica uncovers more interesting facts about Janine Gutierrez: "Na-amaze ako sa kanya."

Aljur Abrenica never ceases to be amazed by his startling discoveries about his Once Again co-star Janine Gutierrez: "Kahit saan mo dalhin si Janine, okey siya. Isa yun sa pinaka nakaka-attract sa babae. Marunong sa kultura. Akala ko, born with a silver spoon siya, yun pala nagdyi-jeep, marunong mag-jeep, mag-bus, makisama sa iba't ibang klaseng tao, at napapagpasensiyahan ako."

 


“Na-amaze ako sa kanya, kasi she’s both proletarian and aristocrat!”

Ito ang sagot ni Aljur Abrenica sa tanong namin kung ano ang pagkakaiba ni Janine Gutierrez sa mga nakaraang leading ladies niya.

Si Janine daw ay puwedeng maging masa at puwede ring maging alta-sosyedad.

Pagmamalaki niya, “Kahit saan mo dalhin si Janine, okey siya.

“Isa yun sa pinakanakaka-attract sa babae. Marunong sa kultura.

“Akala ko, born with a silver spoon siya, yun pala nagdyi-jeep, marunong mag-jeep, mag-bus, makisama sa iba’t ibang klaseng tao, at napapagpasensiyahan ako.

“So 'ayun.”

Ano ang pinagpapasensiyahan sa kanya ni Janine?

Natatawa niyang lahad, "Makulit ako!

“Kasi ayaw niya talaga magkuwento, e. Ayaw niya talaga magkuwento.”

Siya lang ba ang nagse-share ng mga kuwento kay Janine at si Janine ay hindi?

“No, nagse-share siya sa akin pero pagod na ako bago siya mag-share,” at tumawa si Aljur; mas makuwento raw kasi siya kaysa kay Janine.

ENCANTADIA AUDITION. Masasabi ni Aljur na sa halip na sa fantasy series na Encantadia (2016 requel) siya inilagay ay sa romance/drama series na Once Again siya nagbida with Janine.

“Oo. Kahit saan naman, e!

“Para naman sa akin, ang importante yung binigay mo yung part mo, e. Yung best mo.

Nag-audition daw si Aljur sa Encantadia pero hindi siya napili.

“Sa Encantadia binigay ko talaga, e!

“Maghapon ako dun! Kung kani-kanino ako pinares, akala ko ako na,” at tumawa ang hunky Kapuso actor.

“Paalis na nga ako e, ‘Ooops, Aljur, sandali lang baka puwede ka kay ano...’

“‘Akala ko dalawa lang?’ ‘Sige na.’ ‘Sige po.’

“Tapos na ako, ‘Ooops, Aljur may darating pa!’ ‘Talaga?’

“Maghapon ako! Sabi ko, ‘Mukhang akin na! Talagang gusto nila tayo!’

“Tapos bagsak, pak! Okey lang,” ang tumatawa pa ring kuwento ni Aljur sa Encantadia audition niya.

Kay Ruru Madrid napunta ang papel ni Ybarro na in-audition ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur kamakailan sa taping ng Once Again sa Century Park Hotel sa Maynila.

And going back sa Once Again, bakit ngayon lamang lumabas ang chemistry nina Aljur at Janine? Sa Dangwa ay wala pa silang “spark” onscreen.

“I think it’s the relationship, e. Yung nabuo namin na pagkakaibigan.”

MEDIA SAVVY. Maging si Aljur ay malaki ang ipinagbago mula nang makapareha si Janine.

Mas magiliw na si Aljur sa mga miyembro ng entertainment press at kahit anong tanong ay sinasagot na niya, hindi tulad dati na suplado ang imahe niya sa karamihan.

“Ako ang pinakagagong artistang makikilala nyo,” at tumawa si Aljur.

“Ano ang pinaka-worst na na-experience ninyo sa akin?” balik-tanong sa amin ni Aljur.

Na sinagot namin na iyon nga, suplado at nambabara siya dati ng mga reporters.

“Talaga? Hindi naman,” at tumawa si Aljur.

Pero ngayon nga ay nag-three hundred sixty degree-turn si Aljur, dahil napaka-friendly na nito sa mga reporters.

“So mahal niyo na ako ngayon?” ang tumawang muling tanong sa amin ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN