Jake Cuenca happy about Arci Muñoz's big showbiz breaks

Jake Cuenca (showing off his World Cinema Festival Brazil Best Actor citation) on former Pasion de Amor co-star Arci Muñoz: "With Arci, she's getting what she rightfully deserves. Kasi, sobrang professional niya at alam mong mahal niya rin ang ginagawa niya. Hopefully we get to work again."

 


Masaya ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca para sa dati niyang leading lady sa Pasion de Amor na si Arci Muoz dahil sa mga magagandang nangyayari sa career nito simula pa nang magkasama sila sa naturang serye.

Nagpahayag ng kasiyahan si Jake nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito sa ginanap na presscon ng pelikula niyang Mulat sa Romulo’s Cafe kahapon, June 17

Dito rin ginawaran si Jake ng kanyang citation bilang Best Actor si Jake sa World Cinema Festival in Brazil at ang pelikula naman nila bilang Best Narrative Feature.

Sabi niya, “With Arci, she’s getting what she rightfully deserves. Kasi, sobrang professional niya at alam mong mahal niya rin ang ginagawa niya.

“Hopefully we get to work again.

“We’re supposed to work in a movie, kaya lang hindi ko nagawa, kasi conflict sa schedule ng soap.

“Yung soap namin ni Gerald [Anderson], vigorous training talaga.

“Sad to say, hindi ko nagawa yung movie na yun with Arci, but I hope in the future, magkasama pa rin kami.”

GETTING PHYSICAL. Kasalukuyang ginagawa ni Jake ngayon ang bago niyang serye sa ABS-CBN, ang Because You Loved Me kasama sina Gerald at Yen Santos.

“Masaya yung project at sa totoo lang, godsent to me yung project.

“Kilala niyo naman ako still—lumalabas, gumigimik, party boy. I think, everything happens in God’s time.

“Ngayon, yung lifestyle ko iba.

“I wake up five in the morning, swimming, run. Five-thirty to six, bike then six to six-thirty, gym.

“Ganun ako everyday with or without taping and it’s because of Because You Loved Me, triathlete kami, di ba?

“For me, God-sent ‘to and I’m happier this way. I feel better and I feel like I look better,” pagpapasalamat niya.

Triathlete man ang tinanggap na karakter sa bagong serye niya sa ABS-CBN, inamin ni Jake na hindi raw siya marunong lumangoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako marunong lumangoy before ng project na ‘to, but now I swim one kilometer every day,” dagdag niya.

IMPRESSED WITH GERALD. Ang isa pa raw sa ikinatutuwa ni Jake sa bago niyang serye ay ang makasama ngang muli si Gerald at masaya raw siya makita kung paano na ito ngayon bilang isang actor pagkatapos nilang magsama may walong taon na ang nakararaan sa primetime series na Tayong Dalawa.

Ayon kay Jake, “Masaya talaga ko and in-express ko nga sa mga posts ko na, you know, aside from acting, bilib na bilib ako sa evolution ni Gerald Anderson, sobra.

“Aside from acting, as a person, I think he doesn’t realize how remarkable he is.

“Daig pa niya ang action star with the stuff that he does in this project. At saka hinahatak niya ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN