'Clarissa Sison': "Truth hurts, knock, knock!"

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang kampo ni Clarissa Sison, ang babaeng idinadawit ni Sunshine Dizon sa hiwalayan nila ng asawang si Timothy Tan. Ngunit isang Instagram user na may handle name na @clang_sison ang nag-post ng mensahe tungkol sa "homewreckers."


Isang makahulugang mensahe ang ipinost ng isang @clang_sison sa Instagram noong Lunes, June 20.

Ang account na @clang_sison ang naka-tag sa post ng aktres na si Sunshine Dizon noong June 17.

Pinaghihinalaang si Clarissa Sison ang nagmamay-ari ng naturang account, ngunit may ibang nagsasabing parody account lamang ito.

Si Clarissa rin ang sinasabing dahilan ng pakikipaghiwalay ni Sunshine sa kanyang mister na si Timothy Tan.

Ayon sa screenshot ng post ni @clang_sison, na ni-repost ng isang fan ni Sunshine: “Homewreckers wouldn’t have homes to wreck if your significant other hadn’t let them in the front door.”

Sabi naman ni @clang_sison sa caption: “Truth hurts. Knock, knock!”

Ayon sa ilang netizens na nagkomento sa naturang post, maaaring naging kaibigan pa ni Sunshine ang itinuturo niyang third party sa hiwalayan nila ni Timothy.

Sa isang post ng Kapuso actress noon, sinabi niyang ilang palapag lang mula sa kanilang unit nakatira si Clarissa, na diumano'y kalaguyo ni Timothy.

Noong Biyernes, June 17, ibinahagi ni Sunshine ang larawan ni Clarissa sa kanyang Instagram account, kung saan isiniwalat ng Encatandia star ang kaugnayan nito sa buhay ng asawang piloto.

Read: Sunshine Dizon posts cryptic messages on Instagram about mystery woman

Sa isang pahayag, kinumpirma rin ni Timothy na may problema nga sa pagsasama nila ni Sunshine at napagkasunduan daw nilang mag-file ng annulment.

Read: Sunshine Dizon's husband confirms marital problems; reveals plan to file for annulment

Pero sa isang Instagram post ni Sunshine, sinabi nitong hindi niya ibibigay ang kahilingang annulment ni Timothy.

Read: Sunshine Dizon to husband Timothy Tan: 'There is no forgiveness for what you did.'

Ikinasal sina Sunshine at Timothy noong March 20, 2010.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa babaeng idinawit ni Sunshine sa kanilang hiwalayan ni Timothy.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Clarissa Sison.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN