Aiza Seguerra denies being appointed by Duterte as NCCA commissioner

Aiza Seguerra and wife Liza Diño set the record straight on the rumor that President-elect Rodrigo Duterte appointed Aiza to be the next National Commission on Culture and the Arts commissioner.


Nilinaw ni Aiza Seguerra na hindi siya inatasan ni President-elect Rodrigo Duterte na maging bagong commissioner ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA.

Lumutang ang espekulasyon tungkol dito nang makipagpulong ang singer kay Duterte sa Davao City noong nakaraang linggo.

Pahayag ni Aiza, sa statement na ipinadala niya kay Abner Mercado ng ABS-CBN News, “Hindi po ako appointed ni Mayor.

“The President asked to help in arts and culture, so kami, in response to this, are currently consulting with various cultural workers and members of the academe to draft a consolidated and comprehensive agenda to present to the President.

“Wala po kaming personal agenda about doing this.”

LIZA EXPLAINS. Samantala, sinuportahan naman ng partner ni Aiza na si Liza Dino ang pahayag na ito ng singer.

Ipinaliwanag pa ng aktres kung ano ang pinagpulungan nila kasama si Duterte noong nakaraang linggo.

“Para po sa kaalaman ng lahat... Aiza was NOT appointed Commissioner of the Arts and Culture.

“In an informal meeting with Tay Digong, the president asked for help in Arts and Culture so kami po, in response to this, are currently consulting with various cultural workers and members of the academe so we can draft a consolidated and comprehensive agenda to present to the President sa meeting namin sa kanya.

“Yes, we have met with NCCA, and have been invited by long time cultural advocates who would like to offer help and provide their own inputs in order to achieve this goal.”

Sinegundahan din ni Liza ang pahayag ni Aiza na wala silang personal na motibo sa isyung ito.

“So, wala po kaming personal agenda ni Aiza tungkol dito.

“We are all agents of change here na walang hangad kungdi maisakatuparan ang pinapangarap na pagbabago ng ating Presidente.”

Nagpaalala rin si Liza na sa halip na punahin ang mga gustong makatulong sa bagong administrasyon “dahil sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon tayo ng gobyerno na ang MANTRA ay SERBISYO (in its purest sense).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fact, maraming nag-a-apply ngayon at dumadayo sa Davao dahil lahat gustong makibahagi sa bagong mukha ng serbisyo publiko.

“May narinig ba kayong 'open application' sa mga nakaraang administrasyon? Wala di ba?

“Sya na ang nagsabi, walang kurakot ngayon sa administrasyong ito, walang luxuries, junkets at kung anu-ano pang privileges kaya kung meron mang gustong magsilbi sa pamahalaan, hindi n’yo dapat pinag-iisipan ng MASAMA.

“Hindi na pera at pangungurakot ang agenda ng mga tao ngayon para makapagsilbi sa bayan. At least not during this time of DUTERTE.

“Wag po nating pairalin ang crab mentality at pagiging NEGA. Yan eksakto ang kulturang dapat maalis sa ating mga Pilipino at kailangang bigyang pansin dahil wala itong naidudulot na mabuti sa bayan.”

Para po sa kaalaman ng lahat... Aiza was NOT appointed Commissioner of the Arts and Culture. In an informal meeting with tay Digong, the president asked for help in Arts and Culture so kami po, in response to this, are currently consulting with various cultural workers and members of the academe so we can draft a consolidated and comprehensive agenda to present to the president sa meeting namin sa kanya. Yes, we have met with NCCA, and have been invited by long time cultural advocates who would like to offer help and provide their own inputs in order to achieve this goal. We are truly humbled by this and we will do what we can para maipahatid ang mga panukalang ito kay mayor. So wala po kaming personal agenda ni Aiza tungkol dito. We are all agents of change here na walang hangad kungdi maisakatuparan ang pinapangarap na pagbabago ng ating PRESIDENTE. Sa totoo lang, Hindi ito ang panahon para punahin ang mga gustong magtrabaho sa gobyerno dahil sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon tayo ng gobyerno na ang MANTRA ay SERBISYO (in its purest sense). In fact, maraming nag-aaply ngayon at dumadayo sa Davao dahil lahat gustong makibahagi sa bagong mukha ng serbisyo publiko. May narinig ba kayong "open application" sa mga nakaraang administrasyon? Wala diba? Sya na ang nagsabi, walang kurakot ngayon sa administrasyong ito, walang luxuries, junkets at kung anu-ano pang privileges kaya kung meron mang gustong magsilbi sa pamahalaan, hindi nyo dapat pinag-iisipan ng MASAMA. Hindi na pera at pangungurakot ang agenda ng mga tao ngayon para makapagsilbi sa bayan. At least not during this time of DUTERTE. Wag po nating pairalin ang crab mentality at pagiging NEGA. Yan eksakto ang kulturang dapat maalis sa ating mga Pilipino at kailangang bigyang pansin dahil wala itong naidudulot na mabuti sa bayan. To read the full article, click this link: https://www.facebook.com/abscbnNEWS/posts/10154110703670168

A photo posted by Liza Dio-Seguerra (@lizadino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN