ToMiho avoids speaking in Tagalog to prevent misunderstanding

Tommy Esguerra on marrying girlfriend Miho Nishida: "She's always the one to say, you know, huwag muna; and I agree! Okey lang. Huwag muna. Pero there's no harm in dreaming."


Ayon sa ex-Pinoy Big Brother 737 housemate na si Tommy Esguerra, ang girlfriend niyang si Miho Nishida na ang ‘the one’ para sa kanya.

Nagkasama ang dalawa sa loob ng Bahay ni Kuya kung saan nabuo ang kanilang pagmamahalan.

Ngunit nang tanungin kung pinag-uusapan na rin ba nila ang kasal ay natawa muna si Tommy.

Pahayag ng model-TV personality, “I don’t know… we talk.

“Pero she’s always the one to say, you know, huwag muna; and I agree!

“Okey lang. Huwag muna.

“Pero there’s no harm in dreaming.”

Ano ang ideal age for him to get married?

“Twenty-six,” sagot ng 22-year-old ABS-CBN talent.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tommy sa launching ng socialserye novel na Christian and Anne, na ginanap sa National Bookstore, TriNoMa Mall, noong Sabado, June 18.

Si Tommy ang napiling maging book cover model ng nobela na isinulat ni Dolce Amore.

FROM REALITY SHOW TO REAL LIFE. Ano ang kaibahan ng isang relasyong nabuo sa isang reality show?

Saad ni Tommy, “No, nothing wrong with it.

“I guess, it’s like one of those meant-to-be-things where without the TV show, people would have not seen it.

“It was even harder because of the TV show, because Miho doesn’t believe me at all.

“She didn’t believe me at all. She thought it was all for the show.

“So it was even harder because of the TV show.”

Ramdam ba niya na extraordinary ang relasyon nila ni Miho among showbiz couples?

Sagot ni Tommy, “We have the weirdest love story ever.

“We have the most unique story you can think of.

“My gosh, I didn’t even think, like... I wouldn’t believe it.

“If I wasn’t part of it, I would think, ‘What?! How’d they do that?’”

TAGALOG LESSONS. Bagamat wala na si Tommy sa It’s Showtime, kung saan naging tampok ang ligawan nila ni Miho, masaya raw siya sa pag-angat muli sa ratings ng ABS-CBN noontime show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya nawala sa It’s Showtime?

Natatawang sagot ni Tommy, “Inglesero ako siguro!

“Siguro yun. Talagang magaling sila sa Tagalog.

“Pero nag-aaral na ako. Mabagal lang talaga!”

May nagsabi ba sa kanyang kailangan niyang matutong magsalita ng Tagalog kung gusto niya talagang maging artista sa Pilipinas?

“Opo, I agree,” sagot niya.

Paano siya nag-aaral mag-Tagalog?

“Tagalog class, I watch Tagalog movies on my free time.”

Nagta-Tagalog ba siya kapag nag-uusap sila ni Miho?

“Hindi puwede… You know, after PBB, oh my gosh, we had some fights over nothing.

“We just don’t understand each other.

“And then we talk to, like. a friend and we’re like, ‘Oh, we’re wrong.’ Mali yung interpretation.

“Ngayon, we understand each other na.”

Kagaya ni Tommy, na lumaki sa Amerika, hirap din sa pagsasalita ng Tagalog si Miho dahil tumira ito nang matagal sa Japan.

FIRST TELESERYE. Sa unang pagkakataon ay magkakasama sina Tommy at Miho sa isang teleserye, ang Langit at Lupa.

Ano ang feeling na kasama niyang umaarte sa screen ang real-life girlfriend niya?

“I’m happy,” matipid niyang sagot.

May ilangan factor ba sa kanila ni Miho sa shoot?

“No, no… but we are both still learning how to act.

“We’re both still learning getting into this, so that’s where, I guess, you know...

“If she is paired with a better actor, if I‘m paired with a better actor, we will both like kinda become better, because we’re with these people, you know.

“But since we are together, I guess it’s a little harder for us to do such a good job because we’re both not actors. We’re trying.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN