Soul Siren Nina chooses to keep her family life private

Nina on social media: "Never ko siyang nagamit para sa personal things in my life. Kaya nga walang nakaalam na may boyfriend na pala ako. Na kinasal na pala ako. At buntis na pala ako. People only knew na nanganak ako after a month pa when I posted it on Instagram."


Lingid sa kaalaman ng karamihan, may sarili nang pamilya ang Soul Siren na si Nina.

Ikinasal siya sa kanyang non-showbiz boyfriend of eight years na si Coy Enriquez.

May isa na rin silang anak, si Ysabelle Louise, na isinilang noong December 24, 2015.

Sa esklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nina sa pocket press conference para sa concert nila ni Joey Generoso na Versions & Verses, noong June 18, ipinaliwanag ng singer kung bakit pinili niyang gawing pribado ang tungkol sa parteng ito ng kanyang buhay.

Saad niya, “Ang hirap kasi sa trabaho natin sa showbiz, mahirap na may maitago ka.

“Ako pa naman, hindi ako mahilig sa gulo.

“I mean, hindi ko gusto yung may nakakaalam masyado ng private life ko.

“Since I was always in the limelight, napapanood ako parati, yun lang ang gusto kong malaman ng marami.

“For me, private life is private life.

“I just don’t know sa ibang tao, mas gusto nilang ipinapaalam sa marami ang mga nangyayari sa buhay nila.

“I totally respect that kasi kanya-kanya naman tayo, e.

“Pero kapag pinili mo talaga na maging private ang ilang parte ng buhay mo, magagawa mo naman pala.”

SOCIAL MEDIA. Sa kaso ni Nina, hindi raw siya masyadong hooked sa social media at hindi rin niya ito ginagamit para ipamalita ang mga nangyayari sa buhay niya.

“I have social media accounts, pero I use it para mag-promote ng shows or put a few photos of my family and friends.

“Never ko siyang nagamit para sa personal things in my life.

“Kaya nga walang nakaalam na may boyfriend na pala ako. Na kinasal na pala ako. At buntis na pala ako.

“People only knew na nanganak ako after a month pa when I posted it on Instagram.”

Sabi pa ni Nina, “I chose to be quiet and just go on with my life normally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have people in my life who are also into their privacy.

“Ayoko silang i-drag sa mundo kong ito, which is totally different.

“Tsaka mas okey na rin na walang masyadong nakakaalam. Kasi walang nagtatanong.

“Kapag wala ka namang nilabas na puwedeng pag-usapan, walang questions, di ba?”

Dagdag niya, “Kaya dumaan ako sa pagbubuntis na walang masyadong nakakaalam.

“Yung mga close lang sa akin, like my family and my husband’s family, ang nakakaalam ng lahat.

“Kaya when I posted a photo of my baby sa social media, marami ang nagulat!

“Ang mga comments nila ay ‘Nabuntis ka pala?,’ ‘When did you get married?’ mga ganun halos.

“Noong buntis naman ako, I still did shows naman, pero dahil maliit ako magbuntis, walang nakapansin.

“I won’t go out naman telling everybody na buntis ako, di ba?

“Mas hindi naging stressful sa akin kasi no one was asking about it.”

FIRST-TIME MOM. Unforgettable ang pagiging first-time mom ni Nina dahil nag-labor siya for 13 hours at iniluwal niya ang kanyang baby na walang gamit na anaesthesia.

“It was a painful child birth talaga.

“I chose to give birth that way para maramdaman ko yung pain ng pagiging isang ina.

“I read kasi na noong araw, walang mga gamot-gamot noong nanganganak ang mga babae. Siguro naman makakaya ko rin.

“But it was all worth it, kasi when I heard my baby cried for the first time, I really cried, pati ang mister ko umiyak din.

“Nasabi ko tuloy, ‘Uy, buhay siya!’

“It was an overwhelming experience, but going through all that, there’s a miracle of life and it came out of me.

“Parang ang sarap lang na may isang baby kang nilabas sa mundong ito.”

NINA’S HUSBAND. Isang businessman ang mister ni Nina na si Coy Enriquez at eight years silang may relasyon bago sila nagpakasal last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng singer, “He’s not from showbiz kasi kaya ayokong masira ang privacy ng family niya.

“His brother was my guitarist sa band and he watches our shows regularly kaya ko siya nakilala.

“When we first met, I had a boyfriend then and he had a girlfriend. Tapos biglang nagkataon na naging single kami ulit. So doon na nagsimula.

“Sabi nga nila, tumama ang song ko sa love life ko na ‘Love Moves In Mysterious Ways.’

“Kasi, parang we were destined daw to be with one another.

“We were friends first before we dated.

“I wanted to know him better muna and I also want him to know me, not as Nina the singer, but Nina as an ordinary girl.

“We were in a relationship for eight years before we decided to get married and start a family.”

Ngayon ay six months na ang baby ni Nina at ready na siyang maging busy ulit sa pagkanta.

Aniya, “Nagpahinga lang ako ng saglit pero lumalabas naman ako sa ASAP every once and a while.

“I am back doing shows again, tulad nga itong Versions & Verses with Joey G., and I will come out with a new album soon.

“I’m also writing new materials for the album.

“So it’s a combination of original songs and revivals.”

For tickets for Versions and Verses, just call 09178063349 and 09228581058.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN