Jasmine Curtis-Smith to work with Vilma Santos in next project

"Suwerte ko lang kaya I'm very thankful," says Jasmine Curtis-Smith about having an opportunity to work with legendary actresses Nora Aunor and Vilma Santos.


Labis ang tuwa ni Jasmine Curtis-Smith nang malamang kumpirmadong makakatrabaho niya sa kanyang susunod na proyekto ang multi-awarded actress at incoming Batangas representative na si Vilma Santos.

Sa panayam matapos ang contract signing para sa Fruitas endorsement niya kahapon, June 20, wala pang ideya si Jasmine na sigurado na ito.

Nang sinabi ng TV Patrol reporter na si Mario Dumaual na galing mismo sa kanyang talent management ang impormasyon, biglang napasigaw si Jasmine at sabay tingin sa talent manager niyang si Betchay Vidanes: “Oh my god, confirmed na ba yun?”

Para sa Kapatid artist, isang magandang oportunidad ito para sa kanya bilang aktres.

Bukod pa rito, sobrang natutuwa raw siya dahil paborito ng kanyang ina si Vilma.

Kuwento ni Jasmine, “Actually, when we had a meeting, nagulat ako na siya yug binanggit na actress, 'Are you sure about this?'

“Sabi ko nga, 'My gosh, naka-work ko na si Superstar [Nora Aunor]. Ngayon, makaka-work ko naman si Ate Vi, na favorite ni Mommy.

“I was beyond happy, not only for myself, but naisip ko my mom will definitely come home for this.”

Dagdag pa niya, “Suwerte ko lang kaya I'm very thankful.”

Ngunit hindi pa makapagbigay ng anumang detalye si Jasmine tungkol sa gagawin nilang proyekto ni Vilma.

Pero aniya, “I might be the daughter of Ate Vi. Hindi pa sure.”

Ang pelikula ay ididirek ni Quark Henares.

Sabi ni Jasmine, “That would be exciting, it's fresh!”

MAKING HER OWN NAME. Sa kabuuan, natutuwa raw si Jasmine dahil nakikilala na siya bilang aktres.

“Ako, I'm happy kasi that's always been my goal.

“I wanna be known as actress, not just for my name or just another talent.

“There are so many talents that I aspire to become, such as Irma Adlawan.

“She really made a stamp and a mark na aktres siya. Yun siya, hindi mo na siya mababali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, to be recognized in somewhat a similar manner as her, natutuwa ako kasi yun ang goal ko.

“So, na-achieve ko na!”

BALANCING WORK AND LOVE LIFE. Samantala, bagamat abala siya sa mga endorsement at acting projects, hindi naman napapabayaan ni Jasmine ang kanyang relasyon sa surfer na si Jeff Ortega.

Sa katunayan, kagagaling lang ni Jasmine at ng kanyang nakababatang kapatid sa La Union, kung saan kilalang instructor ang boyfriend niya.

Ayon kay Jasmine, “Ang maganda naman doon, since hindi siya showbiz, when I don't have work, and siya, there's a balance for time, respect for each other's work, di ba?”

Sa ngayon, tila pahinga muna si Jasmine sa TV shows dahil katatapos lamang ng teleserye nila ni Richard Gutierrez na Ang Panday.

Aniya, “Hindi ko naman puwedeng sakupin lahat ang TV5.

“Siguro take turns lang kami in terms of projects in the network.”

Katatapos lang din ni Jasmine ng Imagine Me and You, ang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na kinunan pa sa Italy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN