Angelika dela Cruz reacts to Sunshine Dizon's marital problem

Angelika dela Cruz on strong relationship with husband Orion Casareo: "Sa sitwasyon namin ngayon, mag-e-eleven years na kami, wala, e. Kahit sa mga pagtatalo, bihirang-bihira kaming magtalo. Kung magtalo man kami, mga small things."


Suportado raw ni Angelika dela Cruz ang kapwa-aktres at kasamahan sa PPL Entertainment Inc. na si Sunshine Dizon sa pinagdadaanan nito ngayong pagsubok.

Hiwalay na si Sunshine sa mister niyang si Timothy Tan dahil may ibang babae diumano ang huli.

Read: Sunshine Dizon to husband Timothy Tan: 'There is no forgiveness for what you did.'

Pahayag ni Angelika, “Nakausap ko naman siya kanina, e.

“Basta ako, ipinagdadasal ko siya.

“Siyempre bilang kaibigan, tapos kasama sa PPL pa, siyempre susuporta ka sa kanya.”

Wala raw maibabahagi si Angelika sa pinagdadaanan ngayon ni Sunshine dahil hindi pa raw niya ito nakakausap nang masinsinan.

“Hindi ko pa naman natatanong sa kanya ang buong kuwento.

“Hindi ba, kapag hindi mo alam ang lahat, mahirap magsalita?

“Basta ako, kung anuman yun, nakasuporta ako sa kanya.

“Siyempre, babae rin ako, asawa rin ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelika sa last taping day ng afternoon drama series ng GMA Network na Hanggang Makita Kang Muli, sa Indang, Cavite, kahapon, June 20.

SUNSHINE WHO? Natawa naman si Angelika sa sarili nang tanungin kung kailan niya nalamang may pinagdadaanan si Sunshine.

“Kanina lang… Nag-uusap kasi kami, matatapos na ‘to, itong Hanggang Makita Kang Muli.

“So, sabi nila, ‘Ano ang next show mo?’

“Sabi ko, wala. Kasi tapos na ang kontrata ko sa GMA.

“Sabi ko, magpapahinga muna ako.

“Sabi nila, ‘Bakit ka magpapahinga?’

“Sabi ko, simula nang mabuntis ako, hindi pa ako nagpapapayat.

“E, ang hirap magpapayat na nagte-taping ka.

“So, sabi ko, magpapa-peel ako. Magbabalik-alindog.

“Tapos sabi nila, ‘Paano ‘yan, e, di puputi ka na naman?’

“Sabi ko, keri lang yun. Tingnan mo naman si Sunshine Cruz, ang puti-puti, pero pag payat, ang sexy pa rin.

“Sabi ko, ngayon lang pangit ang maputi, kasi ang taba ko, di ba?”

Ang co-star niya sa Hanggang Makita Kang Muli na si Shyr Valdez pa raw ang nagsabi sa kanya tungkol kay Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi kasi ni Ate Shyr, ‘Nakita mo na ba ang pinost ni Sunshine, may ibang babae.’

“Sabi ko, ‘Ha, anong ibang babae? Di ba, hiwalay na sila?’

“Sabi niya, ‘Hindi si Sunshine Cruz, si Sunshine Dizon!’”

Natawang pag-amin ni Angelika, “Palagi naman akong ganyan, palaging huli sa balita!”

Isa raw sa plano ni Angelika pagkatapos ng kanyang trabaho ay yayain si Sunshine na lumabas sila.

BMARRIED LIFE. Matagal na ring kasal si Angelika sa non-showbiz husband niyang si Orion Casareo, pero wala naman daw silang masasabing mga problemang pinagdadaanan.

“Wala naman. Ang problema namin, nag-aagawan kami sa mga anak namin,” sabi ng Kapuso actress.

Kapag nakakabalita siya ng mga sitwasyon katulad ng nangyayari ngayon kay Sunshine, napapaisip din ba siya o kahit paano ay nakakaramdam ng takot?

Sagot ni Angelika, “Well, sana hindi.

“Sa sitwasyon namin ngayon, mag-e-eleven years na kami, wala, e.

“Kahit sa mga pagtatalo, bihirang-bihira kaming magtalo.

“Kung magtalo man kami, mga small things.”

Ano ang sikreto kaya nagtatagal ang relasyon nilang mag-asawa?

Sagot ni Angelika, “Magkaibigan siguro kami.

“Aside from mag-asawa kami, magkaibigan kami, e. Importante yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN