Jolo Revilla on breakup with Jodi Sta. Maria: "Yes, it's true. It was a mutual decision."

Jolo Revilla on his breakup with Jodi Sta. Maria: "Kailangan ko mag-focus sa responsibilidad ko sa mga kalalawigan ko sa Cavite. Pagdating sa personal na… pagdating sa puso, may tamang oras para diyan."


Ipinarating ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang interview ni Jodi Sta. Maria sa Tonight with Boy Abunda kagabi, June 21.

Kaagad namin siyang tinawagan pagkatapos aminin ni Jodi na tapos na ang relasyon nilang dalawa, pero nananatili raw silang magkaibigan.

Read: Jodi Sta. Maria confirms breakup with Jolo Revilla: 'We are no longer together, but we are friends.'

Nagdalawang-isip na magbigay ng pahayag si Jolo kaugnay dito.

Noon pa man ay tahimik na raw ang relasyon nila ni Jodi, kaya naaalangan siyang magsalita tungkol sa kanilang breakup.

Ngunit sa huli ay nagbigay na rin ng pahayag si Jolo tungkol sa rebelasyon ni Jodi.

“Yes, it’s true. It was a mutual decision. I wish her the best,” matipid na sagot ng actor-politician.

Tumanggi namang magbigay ng detalye si Jolo tungkol sa hiwalayan nila. Mas gusto raw niyang tahimik na lang at mag-move on na.

Mas gusto raw niyang mag-focus ngayon sa pagpapatuloy ng pagsisilbi niya sa Cavite bilang vice governor.

“Kailangan ko mag-focus sa responsibilidad ko sa mga kalalawigan ko sa Cavite.

“Pagdating sa personal na… pagdating sa puso, may tamang oras para diyan,” nakangiting pahayag ni Jolo.

Sa Biyernes, June 24, magkakaroon ng oath-taking si Jolo bilang re-elected vice governor ng Cavite.

Manunumpa si Jolo sa harap ng father-in-law ni Jodi na si Senator-elect Panfilo Lacson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN